^

PSN Opinyon

Sex soup

SAPOL - Jarius Bondoc -
NANGINGITLOG ang corals sa linggong ito. Taon-taon ito, matapos ang kabilugan ng buwan sa Mayo. Kumakatas ng balde-baldeng semilya ang mahahabang bahura ng lalaking corals. Ang mga babaing corals naman, bumubuga ng milyun-milyong itlog. Binabalutan ng tig-200 pink na itlog ang semilya, at umaakyat sa ibabaw ng tubig. Pumupula ang dagat. Tila malaking sex soup ang karagatan, ayon sa scientists, habang nagsisilang ng bagong corals–hayop na hindi gumagalaw, parang bato, sa ilalim.

Magandang tanawin ito sa Pilipinas. Nakalatag kasi ang kapuluan sa tinatawag na Coral Triangle, mula Luzon hanggang Java at Borneo. Sa 700 uri ng corals sa mundo, 500 ay meron sa Pilipinas. Sa timog-Bohol, bright orange ang kulay ng dagat. Sa Tubbataha Reef gawing Mindoro, na puro kolonya ng corals, dalawang beses ang pangingitlog. Ang una’y sa kabilugan ng buwan sa Abril. Nag-i-spawn ang hermaphroditic corals, babae’t lalaki ang sex ng bawat isa.

Kapag nangingitlog ang corals, dumadayo ang "filter feeders." tulad ng balyena at manta ray. Hinihigop nila ang itlog sa bunganga na parang screen. Lalong exciting ang tanawin. Sa Anilao, Batangas, nu’ng isang linggo, may nakitang balyenang walong-metro. Panahon din sa Batangas ng dulong, maliliit na isda na tila alamang, masarap gataan.

Dalawa ang kalaban ng corals: starfish na lumalamon nito, at tao. Taon-taon, libo-libong bahura ang nasisira sa angkla, dynamit o cyanide fishing, at pagtapon ng basurang plastic sa dagat. Nalalason din sila ng maduming sewerage na binubuga mula sa mga kanal. At dahil sa usok-pabrika, umiinit ang karagatan (global warming) at "naluluto" ang corals.

Sa pagsulat nito, hinanap ko sa apat na diksyonaryo ang salitang coral sa Filipino. Wala! Nagtaka ako kung bakit. Puro corals naman sa Pilipinas, at ginagamit nu’ng unang panahon bilang jewelry, sandata at pangkuta. Inusisa ko si Prof. Reuel Aguila, writer-linguist sa UP-Diliman. Aniya, may iba’t-ibang tawag sa corals sa maliliit na isla. Pero sa Luzon, kinain ng Español at Inggles ang katutubong tawag sa corals. Aba, kako, kung ang salita ay naglaho na, baka ang corals din ay maglaho.

ABRIL

BATANGAS

CORAL TRIANGLE

CORALS

LUZON

PILIPINAS

REUEL AGUILA

SA ANILAO

SA TUBBATAHA REEF

TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with