Nanawagan ito sa PNP at AFP na tulungan ang pamilya ni Orlando Laguintang, isang radio announcer sa isang local radio station sa nasabing probinsiya, na bigyan ng kaukulang atensiyon ang pagdukot.
Sana, wala silang ginawang masama kay Orly at pauwiin nila ito sa lalong madaling panahon.
Nakikiusap si Yap, sa mga taong sinasabing dumukot kay Orly na huwag nila itong saktan. Pamilyadong tao si Orly!
May 47 media practitioner ang tinigok ng mga gago simula pa noong 1986. Sina Pete Mabazza, Wilfredo Vicoy, Atty. Florante de Castro, Dionisio Perpetuo Juaquin, Narciso Balani, Rogie Zagado, Leo Palo, Martin Castor, Ramon Noblejas, Eddie Suede, Noel Miranda, Ruben Manrique, Josef Aldeguer Nava, Severino Arcones, Eddie Telan, Reynaldo Catindig Sr., Jean Ladringan, Nesino Paulin Toling, Danilo Vergara, Rev. Greg Hipalla, Gloria Martin, Romeo Andrada Legaspi, Atty. Ferdinand Reyes, Alberto Berbon, Daniel Hernandez, Regalado Mabazza, Odion Mallari, Rey Bancairin, Dominador Bentulan, Frank Palma, Vincent Rodriguez, Olimpio Jalapit, Rolando Ureta, Muhammad Yusop, Candelario Cayona, Edgar Camalerio, Rhode Sonny Esguerra Alcantara, John Villanueva, Apolinario Pobeda, Bonifacio Gregorio, Noel Villarante, Rico Ramirez, Jun Pala, Nelson Nadora, Rowel Endrinal, Maghoyo at Bobby Dacer.
Kinondena ni Yap ang karumal-dumal na pagpatay ng mga kamote sa mga mamamahayag. Trabaho lang ang sa kanila at walang personalan, sabi ni Yap sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Natutuwa ang mga bugok kapag maganda ang sinasabi sa kanila ng media pero oras na napitik sila dahil sa kanilang kagaguhan, pinapapatay nila ang mga ito.
Ok lang sa amin kung magdemanda sila ng libelo sa Korte dahil karapatan nila ito at ginagalang namin pero ang patayin nila ang mga kabaro ko, ibang usapan ito, ani Jerry.
"Tutulungan ba ni Jerry ang mga media practitioner?" tanong ng kuwagong manunulat.
"Oo dahil nasa programa ni Yap ito kaya nga siya tumakbong Director sa NPC," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sana magdusa ang mga killers ng mga media practitioner," anang kuwagong Kotong cop.
"Bubulabugin ni Jerry ang mga awtoridad na aksyunan ang kahayupang ginagawa ng mga gago vs. media."
"Samahan natin si Jerry at suportahan."
"Diyan maaasahan mo kami, kamote!"