Mga kuto't garapatan na gutom sa pablisidad
May 12, 2004 | 12:00am
KAMAKAILAN naisulat ko sa espasyo kong ito ang bagong pakulo ng MMDA, "Breath Analyzer" kuno. Ang aming tanong sa kanila, nasaan yung unit. Aber sige nga, gusto naming makita.
Presto! Wala silang aktuwal na unit na maipakita sa amin. Sadya naming tinawagan ang mga gutom sa pablisidad na mga "kuto" sa MMDA upang mai-feature sa BITAG.
Tulad sana sa ginawa naming investigative feature noong nakaraang episode sa BITAG. Naipalabas namin yung "Radar" na ginagamit ng PNCC sa Skyway para sa mga nag-o-overspeeding na hindi pa kailanman nai-feature sa telebisyon.
Ang speed radar sa Skyway ng South Luzon Express Way ay kauna-unahang naipalabas sa BITAG lamang kaya sinubukan naming tawagan ang MMDA upang makita ang kanilang ipinagmamalaking Breath Analyzer, kung mayroon man sila.
Ang "Breath Analyzer" ay isang aparatong ginagamit sa mga tsuper na nahuhuli at pinaghihinalaang nakainom. Malalaman sa pamamagitan ng Breath Analyzer ang lebel ng alkohol sa hininga lang ng tsuper tulad ng ginagamit sa ibang bansa, partikular na sa Estados Unidos.
Ilang balita na ang lumabas sa mga pahayagan hinggil sa Breath Analyzer. Itoy para maiwasan daw ang bilang ng mga aksidente sa lansangan, gagamit na ang MMDA ng Breath Analyzer?
Ang tanong, may karapatan ba ang MMDA na hulihin o tiketan ang mga tsuper na nagmamanehong nakainom sa lansangan? Kung tutuusin, trabaho ito ng Highway Patrol o di naman kaya, mobile unit ng mga pulis, bantayan ang lansangan para hulihin ang mga hayupak na lasenggong tsuper.
Kung yung lungsod mismo ng Parañaque, may ordinansa laban sa mga drunken drivers, INUTIL ang kanilang local na pamahalaan na maipatupad ito. Ipinag-mamalaki pa ng lungsod na ito, meron silang Breath Analyzer. Wala tayong narinig sa mga "kenkoy" ng pamunuang lungsod.
Itong mga "kutot garapata" ni Bayani Fernando sa MMDA, abot langit ang kanilang pagpapapogi. Mga adelantado! Naunang ngumawa, wala pa naman palang maipapakita. Gusto ninyo pala ng publicity ha? Heto, sa akin, LIBRE!
BITAG hotline numbers, para sa mga NAAABUSO, NAAAPI, at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. IBC-13, "BITAG"
Presto! Wala silang aktuwal na unit na maipakita sa amin. Sadya naming tinawagan ang mga gutom sa pablisidad na mga "kuto" sa MMDA upang mai-feature sa BITAG.
Tulad sana sa ginawa naming investigative feature noong nakaraang episode sa BITAG. Naipalabas namin yung "Radar" na ginagamit ng PNCC sa Skyway para sa mga nag-o-overspeeding na hindi pa kailanman nai-feature sa telebisyon.
Ang speed radar sa Skyway ng South Luzon Express Way ay kauna-unahang naipalabas sa BITAG lamang kaya sinubukan naming tawagan ang MMDA upang makita ang kanilang ipinagmamalaking Breath Analyzer, kung mayroon man sila.
Ang "Breath Analyzer" ay isang aparatong ginagamit sa mga tsuper na nahuhuli at pinaghihinalaang nakainom. Malalaman sa pamamagitan ng Breath Analyzer ang lebel ng alkohol sa hininga lang ng tsuper tulad ng ginagamit sa ibang bansa, partikular na sa Estados Unidos.
Ilang balita na ang lumabas sa mga pahayagan hinggil sa Breath Analyzer. Itoy para maiwasan daw ang bilang ng mga aksidente sa lansangan, gagamit na ang MMDA ng Breath Analyzer?
Ang tanong, may karapatan ba ang MMDA na hulihin o tiketan ang mga tsuper na nagmamanehong nakainom sa lansangan? Kung tutuusin, trabaho ito ng Highway Patrol o di naman kaya, mobile unit ng mga pulis, bantayan ang lansangan para hulihin ang mga hayupak na lasenggong tsuper.
Kung yung lungsod mismo ng Parañaque, may ordinansa laban sa mga drunken drivers, INUTIL ang kanilang local na pamahalaan na maipatupad ito. Ipinag-mamalaki pa ng lungsod na ito, meron silang Breath Analyzer. Wala tayong narinig sa mga "kenkoy" ng pamunuang lungsod.
Itong mga "kutot garapata" ni Bayani Fernando sa MMDA, abot langit ang kanilang pagpapapogi. Mga adelantado! Naunang ngumawa, wala pa naman palang maipapakita. Gusto ninyo pala ng publicity ha? Heto, sa akin, LIBRE!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended