^

PSN Opinyon

Matatag ang security sa NAIA !

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SINASALUDUHAN natin ang lahat ng mga bumotong Pinoy sa kanilang mga lugar.

Mas bumaba pala ang bilang ng mga nadedbol na Noypi kumpara noong nakaraang eleksyon pang-Prez. Masaya ang mga kuwago ng ORA MISMO sa pangyayari.

Si Quezon City Mayor Feliciano ‘‘SB’’ Belmonte, ang tinanghal na kampeon dahil siya pa rin ang Ama ng Quezon City.

Nilampaso niya ang kanyang kalaban sa pagka-Alkalde.

Kambiyo isyu, hindi natitinag ang mga security people sa NAIA dahil parang mababangis na leon ito kung magbantay sa kapaligiran ng airport.

Matindi kasi ang bantayan blues sa NAIA bukod sa mga teroristang gustong maghasik ng lagim dito ay binabantayan din ang mga pasaherong galing China, HongKong, Taiwan at Singapore dahil baka may dala naman silang killer virus o SARS!

Pinakalat ni PNP-ASG bossing Andres Caro III, ang kanyang mga alipores sa airport para magmanman at maniktik sa maaaring maganap na kababalaghan sa NAIA.

Katulong ng mga kabig ni Caro ang mga bataan ni ret. General Angel Atutubo, bossing ng NAIA Security and Emergency Services para sa seguridad ng NAIA Terminal 1 and Terminal 2 kasama dito ang Old Manila Domestic Airport.

Kampante, naman ang mga pasahero sa kanilang pag-alis at pagdating sa NAIA dahil walang hassle silang nararanasan maliban sa ginagawang security checks.

Ang mga doctor naman sa NAIA ay abala rin sa pagbusisi ng mga pasaherong galing sa mga bansang nabanggit dahil ayaw nila siyempreng may lumusot na may sakit na SARS para makapasok sa Pinas.

Handa rin ang mga ito sa mga pasaherong carrier ng killer disease na dalhin sila sa pagamutan para malapatan ng kaukulang lunas.

‘‘Grabe pala ang seguridad sa airport ngayon,’’ sabi ng kuwagong nanlilimos.

‘‘Hindi naman sanay na ang mga outgoing at incoming passengers sa ganitong sistema ng pinatutupad na seguridad,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Wala palang makakalusot na mga gago sa airport kung matindi ang seguridad,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Talagang wala dahil marami ng gago ang kinalaboso ng mga pulis sa airport.’’

‘‘Paano ang mga courier ng illegal drugs madali ba silang nakakapuslit sa NAIA?’’ tanong ng kuwagong urot.

‘‘Hindi nga sila maka-first base rito."

‘‘Iyan ang magandang pakinggan.’’

‘‘Talaga bang hindi matinag ang security measures sa airport?’’

‘‘Yes, kamote.’’

vuukle comment

AIRPORT

ALKALDE

ANDRES CARO

GENERAL ANGEL ATUTUBO

NAIA

OLD MANILA DOMESTIC AIRPORT

QUEZON CITY

SECURITY AND EMERGENCY SERVICES

SI QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with