Nais ng kandidatong yun na magkagulo sa presinto, para hindi matuloy ang halalan. Nangungulelat kasi siya sa surveys. Alam naman nating uri ng terorismo ang pagdadala ng sandata sa presinto. Bawal ito.
Ang dapat dalhin sa presinto ay lapis or ballpen, para kung kulang ang paraphernalia ng Comelec, handa pa rin tayo. Dapat din magdala ng mabisang uri ng ID carddrivers license, passport o company IDlalo na kung hindi dumating sa koreo ang pinangako ng Comelec na voters ID. Itoy para may pagkikilanlan kung sakaling tanungin. At siyempre, para mabilis ang pagboto, dapat ay may kodigo na ng mga pangalang balak isulat. Kasi, sa gulo, baka makalimutan o walang nakapaskel na listahan sa presinto.
Kung sasali tayo sa bilangan, dapat din magbaon ng meryenda at tubig. Baka kasi abutin nang siyam-siyam ang proseso. Magdala rin ng flashlight, at baka mawa-lan ng kuryente dahil sa dayaan o sa overloaded elec-trical outlets. Siyempre, mabuti nang may cellphone, para makatawag ng saklolo kung magkagulo. At camera na rin, para makunan ng retrato na ebidensiya sa nanggugulo.
Tungkulin ng botantehindi lang ng kandidato o ng Comelecang maayos na halalan. Tungkulin nating i-record at i-report ang ano mang kalokohan. At tungkulin din nating ilahad ang kaayusan. Importanteng maipakita sa buong bansa kung malawakan o isolated ang pandaraya, at kung laganap din ang kalinisan.
May kandidato na ayaw ng maayos na halalan, dahil hindi nila mailulusot ang pandadaya. Meron namang mga puwersang nais ay gulo para maisulong ang kanilang rebelyon at terorismo. Meron ding Comelec officials na sisimplihan ang mga botante at papapanalunin ang nagsuhol sa kanila. Ipakita natin sa kanila na marami tayong matitinong botante.