Magandang pahayag iyan para salungatin ang ipinamamarali ng administrasyon na kung mananalo si Presidente Arroyo sa eleksyon, manggugulo ang oposisyon. Iyan sa palagay ko ang dahilan kung bakit nakapagbitiw ng ganyang statement si Poe.
Kaya naman sa ibang pahayagan, kasama na ang PSN, naibalitang handang mag-concede si Poe kung matatalo sa eleksyon. Isang mula sa kampo ni FPJ ang tumawag saking cellphone at nagrereklamo kung bakit inilathala nating magko-concede si FPJ.
Sabagay ay may katuwiran siya. Kasi, ang salitang concede ay may pahiwatig ng pagsuko sa laban na hindi maganda para sa isang presidential timber tulad ni Poe.
Bagamat ang "concede" ay ginamit natin sa isang hypothetical sense, minasama ito ng kampo ni Poe. Alam naman nating hindi tipong "atrasin" o madaling sumuko si FPJ. Napatunayan natin iyan sa bigong pakikipag-usap niya kay independent presidential candidate Panfilo Lacson upang ang isa sa kanilay umatras at bigyan ng mas malakas na winning chance ang oposisyon.
Ngunit sa pahayag ni Poe sa kanyang mga tagasuporta na galangin ang magiging resulta ng eleksyon at suportahan ang mananalong Panguloy sumasaludo ako. Sa huling sandaliy nagpakita ng katangi-tanging statesmanship si Poe.