^

PSN Opinyon

FPJ nagpakita ng statemanship

- Al G. Pedroche -
MADALAS nating mapitik si KNP Presidential bet Fernando Poe Jr. Pero nung isang linggo’y nagpakita siya ng kapuri-puring statesmanship sa kanyang pahayag. Nanawagan siya sa lahat ng kanyang mga supporters na igalang ang magiging resulta ng eleksyon at ibigay ang buong suporta sa sino mang mahahalal na Pangulo.

Magandang pahayag iyan para salungatin ang ipinamamarali ng administrasyon na kung mananalo si Presidente Arroyo sa eleksyon, manggugulo ang oposisyon. Iyan sa palagay ko ang dahilan kung bakit nakapagbitiw ng ganyang statement si Poe.

Kaya naman sa ibang pahayagan, kasama na ang PSN, naibalitang handang mag-concede si Poe kung matatalo sa eleksyon. Isang mula sa kampo ni FPJ ang tumawag sa’king cellphone at nagrereklamo kung bakit inilathala nating magko-concede si FPJ.

Sabagay ay may katuwiran siya. Kasi, ang salitang concede ay may pahiwatig ng pagsuko sa laban na hindi maganda para sa isang presidential timber tulad ni Poe.

Bagamat ang "concede" ay ginamit natin sa isang hypothetical sense, minasama ito ng kampo ni Poe. Alam naman nating hindi tipong "atrasin" o madaling sumuko si FPJ. Napatunayan natin iyan sa bigong pakikipag-usap niya kay independent presidential candidate Panfilo Lacson upang ang isa sa kanila’y umatras at bigyan ng mas malakas na winning chance ang oposisyon.

Ngunit sa pahayag ni Poe sa kanyang mga tagasuporta na galangin ang magiging resulta ng eleksyon at suportahan ang mananalong Pangulo’y sumasaludo ako. Sa huling sandali’y nagpakita ng katangi-tanging statesmanship si Poe.

ALAM

BAGAMAT

FERNANDO POE JR. PERO

ISANG

IYAN

KASI

PANFILO LACSON

PANGULO

POE

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with