Isa sa mga prayoridad na proyekto nito ay ang pagbibigay ng lupa sa mga non-core properties ng Philippine National Railways sa mga nakatira na rito nang matagal nang panahon at mga kuwalipikadong benepisaryo dito.
Ang non-core properties ng PNR ay ang mga lupang hindi sakop ng mga kinalalagyan ng riles at hindi na gagamitin ng PNR para sa pangriles na serbisyo.
Noong nakaraang buwan, 400 pamilya ang nabiyayaan ng Certificates of Lot at indibidwal na kontrata sa pagbili ng mga lupang tinitirhan sa mga benipisaryo ng United Residents of Balabag Abandoned Lines Homeowners Association Inc. (UROBAL). Ipinagbibili ang lupa sa P1,100 per square meter kung saan ang UROBAL ay magbibigay ng 10 porsiyento sa kabuuang halaga bilang paunang bayad. Ang balanse ay babayaran naman sa loob ng 10 taon na walang pinataw na interes.
Ang lupang pinamigay ay may sakop na 3.9 hectares na dineklarang socialized housing site batay sa Executive Order No. 48.