Akala koy si Bangon Pilipinas Presidential bet Eddie Villanueva ang tinutukoy ni Kata. Yun palay ang batikan at kilalang broadcaster sa radyo at telebisyon na si Eddie Mercado. Nanlumo rin ako siyempre porke isa sa mga inidolo kong brodkaster si Eddie ng akoy nag-aambisyon pang mapasok sa larangan ng broadcasting.
Agad kong tinawagan ang isa pa ring haligi ng broadcasting na si Barr Samson na kaibigan din ni Eddie. Nagkaisa kami na ipagdasal ang mabilis na recovery ni Eddie. Sa mga makababasa nito, samahan po niyo kami sa aming panalangin.
Isa sa mga hard-working volunteer workers ni Bro. Eddie si Eddie. Nagsisilbing emcee sa bawat political rally na dinadagsa ng angaw-angaw na tao.
Naniniwala ako na ang serbisyo ni Eddie kay Bro. Eddie ay serbisyo para sa bayan dahil sa dalisay na paniniwala na nasa kamay ni Bro Eddie at pamamatnubay ng Diyos ang ikauunlad ng ating bansa.
Eleksyon na sa Lunes, gabayan nawa tayo ng Diyos sa ating pagtungo sa presinto upang ihalal ang inaakala nating matinong leader para sa Pilipinas na nangangailangan ng tunay na reporma. Pag-aralan at kilatisin natin ang mga kandidato at dinggin ang konsensya at hindi ang panghihikayat ng iba.