^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kriminalidad sa Boracay

-
HINDI lamang mga terorista ang pumapatay sa turismo ng bansa kundi pati na rin ang talamak na kriminalidad. Kaya hindi masisisi ang mga bansang nagbibigay ng travel advisory na huwag magpunta sa Pilipinas. Delikado. Mapanganib. Kasi nga’y hindi lamang ang mga terorista ang makakahalubilo nila rito kundi pati na rin mga pusakal na kriminal na walang awang pumapatay mapagnakawan lamang ang mga turista. Bukod sa mga magnanakaw, narito rin ang mga kilabot na kidnappers na ipatutubos sa malaking halaga ang kanilang biktima. Katibayan diyan ang pangingidnap ng teroristang Abu Sayyaf sa mga dayuhan.

Isa sa mga paboritong lugar na madalas puntahan ng mga turista ay ang isla ng Boracay sa Iloilo. Naging bukambibig ang Boracay dahil sa magagandang beach na nalalatagan ng puting buhangin. Isang paraiso sa tingin ng mga dayuhang turista ang Boracay. Kaya naman maraming dayuhan doon ang nagmamay-ari ng mga hotels, restaurants at mga bars. Mas malaki pa ang populasyon ng mga dayuhan doon kaysa sa mga local na residente. Umaabot sa 12,000 residente ang nasa Boracay .

Bukambibig na ng mga dayuhang turista ang Boracay. Kaakit-akit ang maputing buhangin na nakalatag sa dalampasigan. Asul na karagatan. Perpektong lugar para sa matahimik na pagbabakasyon at pagliliwaliw.

Pero ngayon, tila napapawi na sa mga dayuhang turista ang ganito kagandang tanawin at ang nakikita sa kanilang imahinasyon ay ang kriminalidad na nakabalot doon. Ang maputing buhangin na kanilang nakikita ay mga dugo at maski ang karagatan ay mapulang-mapula dahil sa talamak na kriminalidad. Mga dugo ng turistang pinatay at saka pinagnakawan.

Ganyan ang nangyari sa tatlong dayuhang turista na pinatay sa Boracay. Motibo: Pagnanakaw. Kasamang napatay ang Pinay maid ng tatlong turista. Natagpuan ang mga bangkay noong Lunes na pawang tadtad ng saksak. Magulo ang kabahayan na halatang pinagnakawan. Mga trabahador sa isang swimming pool ang mga suspects. Hanggang ngayon nangangapa pa ang pulisya.

Ang pangyayari ay nagpapakita lamang na hindi nabibigyan ng proteksiyon ang mga turista sa nasabing lugar. Nasaan ang awtoridad para alagaan ang kalagayan ng mga turistang bumubuhay sa isla? Ngayong nangyari na ang krimen saka lamang magsisikap ang mga awtoridad – at ningas-kugon muli pagkaraan. Lutasin ang Boracay killings.

ABU SAYYAF

ASUL

BORACAY

BUKAMBIBIG

BUKOD

DELIKADO

GANYAN

KAYA

TURISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with