Kapiranggot lang ang bilang ng mga nasawi ang nababasa natin sa dyaryo at napapakinggan sa mga electronic media. Subalit yung pinakamalaking bilang, hindi na nami-media.
Tinatrabaho na ito kasalukuyan ng Imbestigasyon ng Bahala si Tulfo at ng BITAG Investigative Team sa TV upang malaman ng publiko. Layunin namin ang makatulong sa mga nagbabalak bumili ng mga imported SUVs tulad ng mga Pajero (Exceed), Trooper (Big Horn) at iba pa.
Hindi magugustuhan ng mga importers ng mga second hand vehicles mula sa Subic maging mga dealers nito ang kanilang mababasa sa kolum na to.
Nagbabangayan, nagkakainggitan ang mga malalaking importers. Hindi sila nagkakasundo kung ang pag-uusapan ay kaligtasan ng mga mamimili ng kanilang mga magagarang "basurang" sasakyan.
Iilan lang ang mga malalaking importers sa industriyang ito ang may kapabilidad na magsagawa ng conversion.
Kung teknolohiya nang conversion ang pag-uusapan, kanya-kanya silang diskarte, kanya-kanya silang tirada. Ilan sa kanila, naging bihasa na makalipas ang ilang taong "pagpraktisan" yung mga mamimili ng mga second hand imported vehicles.
Patuloy pa rin nilang pagpa-praktisan ang mga tumatangkilik ng mga second hand imported vehicles. Patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga mamamatay, nadidisgrasya at nalalagay sa alanganin bago nila mapeperpekto