Land grabbing sa Tagaytay talamak na !
May 6, 2004 | 12:00am
ALAM nyo bang talamak na pala ang pangangamkam ng lupa sa Tagaytay City?
Ayon sa aking bubuwit, 4 days na lang at eleksiyon na.
Marami nang kaso ng pang-aagaw ng lupa ang nakasampa sa ilang opisyal ng Tagaytay City Hall. Sa pamamagitan ng paggamit ng puwersa, impluwensiya at pananakot ay napatituluhan na ng ilang opisyal sa City Hall ang malawak na lupain sa lungsod.
Ayon sa aking bubuwit, ang modus operandi ng sindikato sa City Hall ay ang pagsusubasta sa mga lupang nabili ng mga balikbayang taga-Metro Manila. Dahil may mga balikbayan na nakabili ng lupa, marami sa kanila ang nakakalimot na magbayad ng real estate tax.
Kapag hindi nabayaran ang kanilang amilyar, ang ginagawa ng mga taga-City Hall ay padadalhan kunwari ng notice ang may-ari subalit ang address naman nito ay ibang lugar.
Dahil sinasadyang iba ang address ng pagpapadalhan ng notice, hindi ngayon malalaman ng may-ari.
Ang gagawin naman ngayon ng ilang tiwaling opisyal ng lungsod, isusubasta kunwari ang "inabandonang" lote at sila-sila rin o kaya ay mga dummy nila ang bibili.
Mga hinayupak kayo, malibing sana kayo nang buhay!
Ayon pa sa aking bubuwit, 16 na hektarya ng lupain ng isang pamilya Laurel ay nakuha na sa pamamagitan ng tusong pamamaraan.
Ang mahigit 10 hektaryang lupain ng pamilya Manguinao, Marasigan at Disengano ay inaangkin din ng isang Manay Tolentino, kamag-anak ng opisyal sa City Hall.
Kasama rin sa kanilang inaangkin ay 50 hektarya sa tabi ng Canossa House of Spirituality, 198 hektarya sa Tagaytay East Golf Course at 12 hektarya sa tabi ng Picnic Grove.
Grabe naman pala ang land grabbing cases sa Tagaytay Cty. At ang pinakamalungkot na parte rito, ang ilang matataas na opisyal ng Tagaytay City Hall ang inaakusahang nang-aagaw ng lupa.
Paging Mayor Francis Tolentino. Whats happening to Tagaytay City Mayor?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am