^

PSN Opinyon

Editoryal - Banta na naman ang SARS

-
BUHAY na naman ang Severe Acute Respiratory Syndrome at muli na namang sumasalakay. Baka ang kaabalahan sa election ang maging dahilan para ito makapasok sa bansa galing China.

Kauna-unahang biktima ng SARS ngayong 2004 ang isang 53 anyos na babae sa Beijing. Bukod sa namatay apat pang katao ang inoobserbahan sa hinalang mayroon din silang SARS. Ang namatay ay nanay ng isang babaing laboratory worker. Hinihinala ng mga awtoridad na galing sa laboratoryo ang virus na ikinamatay ng babae. Nagkahawa- hawa na sila. Hinawahan ng lab worker ang kanyang nanay at sumunod ay ang nurse na nag-alaga sa kanya. Hinawahan naman ng nurse ang kanyang ina at ang auntie.

Bumabalik ang bangungot na walang ipinagkaiba sa nangyari noong 2003 kung saan bumalot sa buong mundo ang pananalasa ng SARS. Pumatay na ito ng 774 katao. At ang Pilipinas ay kabilang sa mga niyanig ng SARS. Namatay ang Pinay nurse na si Adela Catalon at nahawahan pa ang kanyang ama na namatay din. Nakuha ni Catalon ang SARS sa Canada kung saan siya nagtatrabaho.

Nakalusot si Catalon sa Ninoy Aquino International Airport. Nakapamasyal pa siya sa maraming lugar sa Metro Manila bago tuluyang iginupo ng sakit sa kanilang barangay sa Pangasinan. Mataas na lagnat na tumatagal ng ilang araw ang sintomas ng SARS. Naospital si Catalon at pagkaraan ng isang linggo ay namatay. Kasunod na namatay ang kanyang ama, na SARS din ang ikinamatay. Hindi pinayagan ng Department of Health na makalabas sa barangay ang mga tao. Isinailalim sila sa quarantine nang may isang linggo. Nakaranas silang pandirihan.

Pero sabi ng DOH walang dapat ipangamba ang Pinoy sa panibagong banta ng SARS. Wala raw dahilan para mag-panic. Nakahanda na ang gobyerno rito. Laging naka-monitor. Ang lahat ng ports of entry ay mahigpit na binabantayan. Sabi ni President Arroyo hindi dapat mangamba sapagkat ginagawa ng gobyerno ang lahat para labanan ang SARS. Sa kabuuan, 12 Pinoy ang na-infect ng SARS noong 2003 at dalawa na nga ang namatay.

Ngayo’y bumabalik na naman ang sakit. Sa sitwasyong ito, kinakailangang magkaroon na ng sariling ospital ang SARS patient para maiwasan ang pagkalat. Hindi ba’t may ipinangakong pondo ang gobyerno para rito? Nasaan na ito?

Hindi biro ang SARS kaya nararapat gawin ang lahat ng paghahanda at pag-iingat. Nagkaroon na ng masamang bangungot dito at hindi na dapat maulit.

ADELA CATALON

CATALON

DEPARTMENT OF HEALTH

HINAWAHAN

METRO MANILA

NAMATAY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PINOY

PRESIDENT ARROYO

SARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with