^

PSN Opinyon

'Confidential letter' ng AMLC sa BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAKATUTOK pa rin ang aming investigative team sa TV ang BITAG, sa aktibidades ng mga sindikatong nasa likod ng lumalaganap na TEXT SCAM.

Bagama’t hindi nagtagumpay ang BITAG at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa inihanda naming ‘‘patibong’’ sa isa nilang miyembrong kukuha ng pera sa RCPI Tagum, Davao, hindi pa rin kami tumitigil.

Doon sa mga nakapanood ng nasabing episode, dalawang Sabado na ang nakalilipas, naipakita ng BITAG sa TV ang isang paraan kung papaano sana bitagin at gawing ‘‘bihag’’ ang isa nilang miyembro.

Ang problema ay ’yong kumpanyang ginagamit ng sindikato ang RCPI, sa pamamagitan ng kanilang pera-gram. HIndi nakipagtulungan ang Chief Executive Officer (CEO) na si Gabriel Paredes ng RCPI sa BITAG at sa NBI.

Katuwiran nitong hunghang na CEO sa harap mismo ng aming camera, hindi naman sila nalulugi! ‘‘kaya naman ayaw makipagtulungan hangga’t kumikita ang mga lintik’’

Nitong nakaraang Martes, natanggap ko ang isang liham mula sa tanggapan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa naipalabas naming TEXT SCAM sa telebisyon.

Personal na dumulog pa sa aming tanggapan ang isa sa kanilang mga tauhan upang iabot lamang sa akin ang ‘‘confidential letter.’’ Humingi rin ang AMLC ng kopya ng nasabing episode.

Hindi ko puwedeng isulat kung ano ang aming napag-usapan at mapag-uusapan pa. May isasagawang on-cam interview ang BITAG sa tanggapan ng AMLC sa kapakanan ng publiko ngayong darating na mga araw.

Maliban dito, may mga bagay pa kaming pag-uusapan ang mga hakbang na gagawin laban sa namamayagpag na sindikatong nasa likod ng text scam.

Binabalaan namin ang lahat na makakabasa ng aking kolum.

Huwag magpapaniwala sa lahat ng mga congratulatory text messages na matatanggap n’yo sa inyong mga cellphone na kayo raw ay nanalo.

Huwag tangkaing mag-text back sa kanila o makipag-usap sa cellphone sa mga ito. Itawag agad ito sa
BITAG at ipaubaya na lang sa amin. May nakahanda kaming patibong para sa mga sindikato sa tulong ng AMLC, National Telecommunication Commission (NTC) at iba pang mga ahensiya.
* * *
‘‘BITAG’’ hotline # para sa mga NAAABUSO, NAAAPI at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text sa (0918-9346417) o tumawag sa mga numero bilang 932-5310 at 932-8919.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

BAGAMA

BINABALAAN

BITAG

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

GABRIEL PAREDES

HUWAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL TELECOMMUNICATION COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with