^

PSN Opinyon

Publicity stunt ni Vice Mayor Lacuna

- Al G. Pedroche -
MGA Manilenyo, kilatising mabuti si Vice Mayor Danny Lacuna kung dapat pang iboto o itapon na sa kangkungan. Kung ako’y taga-Maynila, buburahin ko na siya sa listahan ko ng mga kandidato.

Kakaiba ang hirit niya para magkaroon ng publicity mileage. Idinemanda niya ng libelo ang lahat ng diyaryo na nagbalitang pinaiimbestigahan siya dahil sa kanyang marangyang buhay at mamahaling mga kotse na hindi akma sa kinikita ng Vice Mayor.

Napuno ang piskalya sa Manila City Hall ng mga newspaper executives at reporters na inihabla niya. Naroroon si Lacuna at idinikit sa isang panel ang lahat ng diyaryong nagdala ng balita na kinunan ng TV camera ng NBN Channel 4. Aniya’y isa itong orchestrated move ng media para wasakin siya. Sa katunayan, may pormal nang request for investigation na iniharap ang isang concerned Manila resident sa Ombudsman. Hinihiling na imbestigahan si Lacuna dahil sa pagma-may-ari ng isang multi-milyong pisong tahanan at mga mamahaling sports car na tila alangang mabili ng isang bise alkalde lang. Inirereklamo rin si Lacuna sa diumano’y pag-aari niyang videoke bar malapit sa kanyang tahanan na sinasabing may ilegal na pasugalan sa loob.

Naibalita nang lahat iyan. Pero imbes na humarap sa isyu at mangatuwiran, demanda ang isinampal niya sa maraming pahayagan. Kontodo TV coverage pa. Daig pa niya si Presidente Arroyo na hindi pinalampas ng media dahil sa mga alegasyon ng corruption na kinasasangkutan ng First Gentleman. Delikado pala ang taong ito kung maging Presidente. Baka i-abolish ang lahat ng media entity na bibira sa kanya.

Mr. Lacuna,
bilang kandidato, isa kang kalakal. Ibinebenta mo ang sarili sa taumbayan. Buti pa ang kalakal na puwedeng isauli kung may depekto. Ang bugok na public official ay pagtitiisan munang matapos ang termino bago mapalitan. Responsibilidad ng media na maglahad ng mga isyu tungkol sa sino mang kandidato. Positibo man o negatibo. Kung mali ang paratang, mangatuwiran ka and the burden to disprove is on you dahil ikaw ang kumakandidato.

Ito tandaan mo,
Hindi kami takot sa libelo kung ang rason ay pagtupad sa aming tungkulin. Higit na kahiya-hiya ang opisyal na katulad mo na nagha-harrass ng malayang pamamahayag. Ano ka, diktador?

ANIYA

ANO

BUTI

FIRST GENTLEMAN

MANILA CITY HALL

MR. LACUNA

PRESIDENTE ARROYO

VICE MAYOR

VICE MAYOR DANNY LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with