^

PSN Opinyon

Oplan Tinta

- Al G. Pedroche -
ANO ba iyan? Ibinulgar ni KNP senatoriable Francisco Tatad ang diumano’y "dirty trick" ni Presidente Gloria para manalo sa darating na eleksyon. "Oplan Tinta" ang tawag.

Kapalit ng P 300 hanggang P 500, bubuhusan ng tinta ang daliri ng mga botante sa ilang tinukoy na lalawigan para di na makaboto. Kasama sa mga lalawigang ito ang Catanduanes, Masbate, Leyte, Samar at iba pa. That is of course on the presumption na sa mga tinukoy na lalawigang ito’y mahina si Presidente Arroyo. Hindi ako pro-GMA. Alam n’yo namang die-hard Bro. Eddie ako. Pero parang mahirap paniwalaan ito. Ang gaspang namang estratehiya niyan. Wala ba kayong maisip na mas kapani-paniwala diyan sa oposisyon?

Tingin ko, kung mandaraya man ang administrasyon ay hindi sa ganyan ka-krudong paraan. In this modern cyber age, maraming paraan ng pandaraya na mahirap mabuking.

Sabi nga ng Malacañang, kung may evidence si Tatad, ilantad niya at magharap ng reklamo sa COMELEC o sa korte. With less than two weeks to go bago mag-eleksyon sa Mayo 10, asahan natin ang mas matinding siraan at pag-iimbento ng mga akusasyon ng mga kandidato.

Napapakamot ng ulo ang barbero kong si Mang Gustin. Aniya, umiiral pa lang ang two-party system ng Nacionalista at Liberal maraming taon na ang nakalilipas, ganyan na ang estilo ng maruming politika sa bansa. Batuhan ng putik, siraan at disinformation.

Nung paslit pa akong bata, naglalathala pa ng mga pekeng tabloids ang isang dirty politician para i-banner ang pag-urong sa eleksyon ng kanyang kalaban na hindi naman totoo. Hangga ngayong hi-tech na ang lipunan, walang pagbabago. Pati ang mga dirty tricks ay isinasagawa na rin sa pamamagitan ng high-tech system. Pati text messaging sa cellphones ay ginagamit na rin sa paninira ng mga kalaban sa politika.

Kung ganyan tayo nang ganyan, wala nang asenso talaga ang bansa. Yung mga matitinong Pilipino na may talino’t kakayahan ay unti-unti nang nag-aabroad at ang mga naiiwan sa bansa ay yaong mga bugok at tiwali. Dito kasi’y madaling mangulimbat at maghari-harian. Pag nagkataon, tuluyan nang mabubura sa mapa ang ating pobreng bansa!

ALAM

ANIYA

BATUHAN

FRANCISCO TATAD

MANG GUSTIN

OPLAN TINTA

PATI

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with