Gov.Magsaysay,totoo ba ito ?
April 28, 2004 | 12:00am
NAGSUNOG ng kilay kung sinuman itong nagpadala ng e-mail sa akin sa website na [email protected] para lang ibulgar ang jueteng operations diyan sa Zambales. May kaduwagan lang ang may akda nito dahil sa Amerika siya at iniwan niya tayong makipaglaban para sa interes niya. Pero kahit ganoon pa man, bigyan natin ng pansin ang inilalapit niyang problema dahil public service itong kolum natin. Ganito ang nilalaman ng buong e-mail na may petsang April 18 at wala tayong babaguhin.
Pareng Bening,
Bakit alam na alam mo ang lugar ng jueteng sa buong bansa? Pero bakit sa Zambales mukhang hindi mo alam na may jueteng? Ok! Bibigyan kita ng tip kung hindi mo alam. Ang may pa-jueteng sa Zambales ay si Gov. Vic Magsaysay at ang namamahala ay ang kanyang anak na si JV Magsaysay. Maawa ka sa Zambaleños, nasa kamay ng Magsaysay ilang dekada na ang nakaraan ngunit wala pa rin asenso. Kawawang Zambales. Ako ay masugid na taga-subaybay ng iyong article. Nakita ko ang tapang sa iyong pagsusulat. Sana naman punahin mo ang katiwalian sa aming lalawigan. Sobra na. May bulong-bulungan pa rin sa Zambales na kasama sa negosyo ng Magsaysay ay mga smuggling from Subic (SBMA) at drugs. Kung maalala mo may nasabat ang military ng malaking drugs diyan sa Zambales. Alam mo nasa Amerika kami pero palagay ko mas marami kaming alam kesa sa inyo. Mas magaling ang intelligence source namin kesa sa inyo. Palagay ko dahil dito walang lagayan. Umaasa ako na itong pagsulat ko sa inyo ay may patutunguhan. Maraming salamat at mabuhay kayo!!!
He-he-he! Tinatanggap natin ang hamon nitong e-mail sender at pagtuunan natin ng pansin itong jueteng diyan sa Zambales. Ang una nating tatanungin ay itong si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., na taga-Zambales rin. Gen. Ebdane Sir, papayag ka bang may jueteng diyan sa probinsiya mo eh maliwanag pa sa sikat ng buwan ang pagyayabang mo na wala ng jueteng sa bansa? Dapat siguro, pagsisipain mo ang jueteng sa probinsiya mo Gen. Ebdane Sir para maniwala ang kampo ni Presidentiable Ping Lacson na seryoso ka sa kampanya mo. Sa totoo lang, isa si Gen. Ebdane sa mga solution sa jueteng diyan sa Zambales dahil isang kumpas lang niya, tiyak may kinalalagyan ang ilegal na sugal doon. Linisin mo muna ang probinsiya mo Gen. Ebdane Sir, at idagdag mo itong Pampanga na probinsiya naman ni Presidente Arroyo para maniwala ang sambaya-nan na totoo ang mga pinagsasabi mo ukol sa jueteng sa bansa. Di ba sabi mo 90 percent ng jueteng sa bansa ay sarado na? Bakit itong sa Zambales ay bukas na bukas at alam kahit ng taga-Amerika? At tiyak na hindi rin kikilos ang hepe ng Zambales PNP na si Sr. Supt. Wilson Victorio sa problema ng jueteng sa Zambales.
Itong si Victorio ay pinsan pala ng asawa ni Ebdane kayat alam nyo na mga suki kung bakit nakatiklop ang kamay niya laban sa jueteng.
May karugtong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am