EDITORYAL - Kailan lilitaw ang mga alitaptap ?
April 28, 2004 | 12:00am
ALAM nyo ba ang dahilan kung bakit wala kayong makitang mga alitaptap dito sa Metro Manila at sa kalapit lugar? Dahil sa air pollution. Ang mga alitaptap ay naglaho dahil sa maruming hangin. Kung saan nagtago ang mga alitaptap o kung namatay na sila, walang makapagsasabi. Ang ganitong kalubhang sitwasyon sa maruming hangin ang naging dahilan para ang isang grupo ng mga environmentalists ay nagsagawa ng "bicycle run" noong nakaraang linggo para i-promote ang pangangalaga sa kapaligiran.
Ang masidhing paghahanap sa mga alitaptap ay nagkaroon naman ng kaugnayan sa ipinagdiriwang na Earth Day noong Huwebes. Taun-taon ay ipinagdiriwang ito upang ipaalala sa sangkatauhan na nararapat protektahan ang mundo. Ang pagkasira ng mundo dahil sa pollution, maruming mga ilog, pagkakalbo ng mga kagubatan, pagguho ng lupa, ay ilan lamang sa mga nangyayari ngayon at kung hindi magkakaroon ng lubusang pagkakaisa para labanan ang mga lumalapastangan sa kalikasan, walang ibang magiging kawawa kundi tayo na rin. Wala nang titirahan at maaaring maglaho na rin gaya ng alitaptap.
Karamihan sa mga Pilipino ay hindi pa rin ganap ang nalalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran. Hindi pa rin sila ganap na naaalarma sa maaaring kahantungan ng ginagawang pagsira, pagdumi at paglason sa kapaligiran. Marami ang walang anumang nagtatapon ng kanilang basura sa mga estero at kanal. Marami ang basta na lamang nagtatapon ng balat ng kendi, biscuit o prutas habang nakasakay sa dyipni at bus. Ang mga basurang ito ang bumabara sa mga daluyan ng tubig.
Marami pa rin ang patuloy na lumalabag sa Clean Air Act of 1999. Maraming pabrika at mga kompanya ang patuloy na nilalason ang kapaligiran dahil sa makapal na usok na kanilang ibinubuga. Wala namang ngipin ang Clean Air Act at hindi maputulan ng sungay ang mga lumalabag. Patuloy ang mga smoke-belchers sa pagyayaot sa mga kalsada sa Metro Manila. Ang EDSA ang itinuturing na pinaka-polluted na lugar sapagkat narito ang mga kakarag-karag na bus na nagbubuga ng nakakalasong usok.
Sa isang pag-aaral, sinabi na kapag hindi nasolusyunan ang grabeng air pollution sa Metro Manila, maaaring hindi na ito matirhan pagkalipas ng 10 taon. Nakapangangamba ang ganito. Saan titira ang mga taga-Metro Manila gayong pinatag na ang bundok at ginawang golf course, sinemento na ang mga palayan at tinayuan ng shopping malls.
Sanay matutuhan ng bawat isa ang pangangalaga sa kapaligiran at ipatupad naman ng gobyerno ang angkop na batas. Masarap makitang muli ang mga alitaptap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest