^

PSN Opinyon

Kapag hindi nagkaisa, tapos ang oposisyon

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
HINDI na makatulog ang mga lider ng mga partido at campaign managers ng mga kandidato sa pag-iisip ng mga paraan kung papaano sila mananalo. Dalawang linggo na lamang at eleksiyon na subalit wala pa ring nakakasiguro kung sino ang mananalo kahit na sa survey ay si President Gloria Macapagal-Arroyo ang nakakaungos ng kaunti kay Fernando Poe, Jr. Malaki ang agwat ng mga sumusunod na sina Raul Roco, Ping Lacson at Eddie Villanueva.

May paniniwala sina Lacson at FPJ na kung magsasanib sila ng puwersa ay maari nilang mapataob si GMA kahit hawak pa nito ang makinarya at biyurukrasya ng pamahalaan. Subalit, ang pag-uusap ng dalawa ay ilang ulit nang hindi matuluy-tuloy na para bagang may bumabalakid. May mga nagsasabi na mahirap ngang magkasundo sina Poe at Ping sapagkat parehong gustong mag-presidente.

Ayon sa mga eksperto sa pulitika, walang makakatalo kay GMA kung hindi magsasanib ang oposisyon lalo na sina FPJ at Lacson. Subalit, sa oras na ito na dalawang linggo na lamang ay botohan na ay wala pa kaming nakikitang pagkakaisa ng mga presidentiables maliban sa nababalitang maaaring pagsasanib nina Raul Roco at Bro Eddie Villanueva. Pero, kahit na matuloy ito, wala pa ring kasiguruhan na magiging matagumpay ang pagsasamang ito.

Lumiliwanag ang paglamang ni GMA. Ginagamit na ng kampo nito ang bandwagon effect. Ang estratehiyang nagpapakita na parami na nang parami ang sumasanib na mga dating kalaban kay Arroyo habang nagkakawatak-watak at hindi nagkakaunawaan ang mga taga-Oposisyon. Kapag hindi nagkaisa ang Oposisyon tapos na ang boksing. Puwede na uling gumawa ng pelikula sina FPJ at balik-senado na naman si Ping.

BRO EDDIE VILLANUEVA

EDDIE VILLANUEVA

FERNANDO POE

JR. MALAKI

LACSON

OPOSISYON

PING LACSON

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with