Jueteng sa Bicol!
April 27, 2004 | 12:00am
CONGRATULATION Vice Admiral Ernesto H. de Leon, Flag Officer in Command ng Philippine Navy, dahil nahirang ito bilang Most Outstanding Mason for Military sa katatapos na ika-88 Annual Convention ng Free and Accepted Mason of the Philippines na ginanap sa Cagayan de Oro noong Abril 22 hanggang Abril 24, 2004.
Mabuhay ka, BROTHER!
Siyanga pala, si Boyet Calabiyo, pala ang bata ni Art Kabigtak sa Camarines Norte dahil ito pala ang local doon pagdating sa operasyon ng dayaan bolahan.
Namamayagpag hanggang ngayon ang jueteng sa Bicol dahil kailangan pala ng pitsa ng mga bugok na pulitiko doon para gamitin nilang panglangis sa mga botante sa Mayo 10.
Hindi pala birong pera ang ibinigay ng mga gambling lords sa mga kurap na LGUs at mga pigoys sa Bicol para payagan silang mag-operate ng dayaan bolahan.
Kaya kahit na anong banat ang ginagawa ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay hindi tumatalab sa mga lintik dahil bulsa nila ang importante kaysa tungkulin nila.
Kaya naman nagtataka tayo sa PNP Region 5, dahil hindi kumikibo ang mga ito sa operasyon ng jueteng sa kanilang hurisdiksyon.
PNP bossing Jun Ebdane, ano kaya ang dahilan?
Tuwang-tuwa ang grupo ni Art Kabigtak, Tom Arinula, Tony Onggoy, ang isa sa mga druglords sa Region 3, at Alex Tang Ah, dahil ang lakas ng kanilang kubransa sa Bicol.
Ang tatlong kasapi sa partido ng Lakas Asar, na sina Ed sa Oas, bayag daw este mali bayaw pala ng isang mataas na opisyal ng mga rakpadudels sa Region 5, Si Rey, kapatid ng isang tongresman at si Boy ng Daraga.
Tahimik ang tatlo dahil akala nila ay makakalusot sila sa pang-amoy ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Pero sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, unti-unting mababawasan ang kanilang kasiyahan sa paggawa ng salapi dahil matindi na ngayon ang parusa sa illegal gambling.
Pinabigat ni Biazon ang batas sa illegal gambling. Fourteen hanggang 16 years ang parusa sa lahat ng makakalawit sa illegal gambling.
Sa bisa ng Republic Act 9287, itinaas ang parusa sa lahat ng mahuhuling mananaya, ahente, coordinator, controller, supervisor, operator, namamahala, kapitalista, at maging protector o nakapatong na PNP sa lahat ng uri ng illegal gambling.
Kapos ang espasyo ng Chief Kuwago, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Hindi natin lulubayan ang dayaan bolahan sa Bicol, sabi ng kuwagong pulis na binubukulan ng kapwa Pigoy.
May mga higher ups sa Crame ang binabanggit na inayos daw ng mga gambling lords? sabi ng kuwagong Kotong cop.
Hindi naman magkakatuluyan sa isang lugar ang jueteng kung walang basbas ang mga rakpadudels.
Sa Huwebes abangan natin ang kasunod mga kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended