^

PSN Opinyon

Sa halip na tumulong, 'pride' ang ipinairal ng RCPI CEO

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SINUBUKAN ng aming investigative team sa TV, ang BITAG at National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), bitagin ang isa sa mga sindikatong nasa likod ng text scam nitong nakaraang linggo.

Nakita namin kung saan ang KAHINAAN ng mga kinauukulan at ang DAHILAN kung bakit namamayagpag ang mga sindikatong nasa likod ng text scam. Naipalabas na ito sa BITAG nitong Sabado kung paano namin trinabaho.

May alinlangan sa panig ng pamunuan ng RCPI, isa sa mga kumpanyang ginagamit ng mga sindikato na nagpapakalat ng mga congratulatory text messages sa mga cellphone owners na sila’y nanalo daw ng lottery o raffle prize.

Sa pag-iimbestiga ng BITAG at ng NBI-NCR, napag-alaman na ng mga sindikato ang RCPI maging ang Western Union kung kaya’t sila ngayon ang ginagamit.

Dati mga bangko, subalit nung maghigpit ang Anti-Money Laundering Council (AMLC), nakahanap ng lusot ang mga sindikato sa pamamagitan ng mga money transfer company na maisakatuparan lang ang kanilang modus.

Sinubukan ng BITAG at NBI-NCR lapitan ang RCPI main office upang maikasa ang nakahanda naming bitag para sa isa nilang miyembrong nag-aantay na lang ipadala ang pera sa RCPI pera-gram sa taong nagngangalang Rhod Anthony Peramide sa RCPI Tagum Davao.

Utos ng sindikato sa BITAG undercover na kanilang napadalhang congratulatory text message na nanalo daw siya ng 300,000 at isang Toyota revo at magbayad daw muna siya ng tax na P7,000 at ipadala sa RCPI.

Ayon sa isang empleyado ng RCPI outlet, ’yong mismong taong padadalhan ng pera ang siyang kukuha. Kinakailangan magpresinta ito ng kanyang ID para ma-release ang P7,000. Dito markado na ’yong account at magiging madali sa RCPI makipagtulungan.

‘Nung dumating kami sa RCPI main office, nakita namin ang pag-aalinlangan ng Chief Executive officer (CEO) na si Gabriel Paredes sa hakbang na ‘‘entrapment’’ na gagawin ng BITAG at NBI.

Sa harap ng camera nahulog sa BITAG ang magaling na CEO ng RCPI ’nung sinabi nito, saksi ang ahente ng NBI na kasama namin, ‘‘hindi naman kami nalulugi.’’

Bunsod ito sa aking nasabi, ‘‘there’s a lot of gray area here for the text scam syndicate to work on. They’re two steps ahead of you, could it be why they’re using your company?’’ Dito umiral ’yung ‘‘pride’’ ng RCPI CEO kaya siya tuloy ang nahulog sa BITAG.

Kung nanaisin ng RCPI makipagtulungan sa mga awtoridad, masasampulan sana ang isa sa mga miyembro ng mga sindikato sa Tagum Davao at nahulog na sana ito sa kamay ng NBI natin.

‘‘Pakunswelo de bobo’’ man lang sana ang ginawa nitong CEO ng RCPI, kahit nagbigay man lang ito ng babala sa publiko. Maraming paraan para makatulong siya, subalit umiral ata ang kanyang ‘‘pride’’ CEO daw kuno.

Ang bawat kumpanyang pang-negosyo ay may tungkulin ‘‘moral responsibility’’ sa ating lipunan na ipairal ’yung TAMA at NARARAPAT sa kapakanan ng ating mamamayan o partikular na sa kanilang mga tagapagtangkilik.
* * *
‘‘BITAG’’ hotline # para sa mga NAAABUSO, NAAAPI at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uring katiwalian, I-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-5310 at 932-8919.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

BITAG

CHIEF EXECUTIVE

DITO

GABRIEL PAREDES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-NATIONAL CAPITAL REGION

RCPI

RHOD ANTHONY PERAMIDE

TAGUM DAVAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with