Binigyan ng pangalawang pagkakataon
April 25, 2004 | 12:00am
MAYROONG isang napakagandang kuwento tungkol sa pagpapanibago kay Pedro. Tatlong ulit na itinatwa ni Pedro si Jesus noong panahon ng pasyon ng Panginoon. Sa pagkabuhay na muli ni Jesus, si Pedro ay nabigyan ng pangalawang pagkatataon. Basahin ang Juan. 21:15-19.
Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?" "Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo," sagot niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Pakanin mo ang aking mga batang tupa." Muli siyang tinanong ni Jesus, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?" Sumagot si Pedro, "Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo." Sabi ni Jesus, "Pangalagaan mo ang aking mga tupa." Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?" Nalungkot si Pedro sapagkat makaikatlo siyang tinanong: "Iniibig mo ba ako?" At sumagot siya, "Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: Noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig." Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayoy mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, "Sumunod ka sa akin!"
Nang tanungin ni Jesus si Pedro tungkol sa pagmamahal nito, sumagot si Pedro nang may buong kababaang-loob. At binigyan ni Jesus si Pedro ng isang gawain na dapat niyang isaganap - pakanin ang kanyang mga batang tupa. Si Pedro ay binigyan ng tungkuling pangalagaan ang kawan.
Huwag nating kalilimutan na palagi tayong binibigyan ng Diyos ng pangalawang pagkakataon kapag tayoy nagkukulang o di-nagtatagumpay. Subalit kailangan nating bumalik sa Kanya nang may buong kababaang-loob at pagtitiwala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended