Sobrang pinsala sa katawan ang paninigarilyo. Masama ito sa puso. Dahilan din ito ng bronchitis at ang wala nang lunas na kanser sa baga at emphysema na makailang ulit na ipinaliwanag ng ating kasamahang PSN columnist na si Dr. Tranquilino Elicaño Jr. sa puntong ito muling binibigyan diin ng BANTAY KAPWA ang pinsalang dulot ng paninigarilyo na puwede namang maihinto kung gugustuhin.
Narito ang ilang tips to stop smoking: Kailangan magkaroon ng self-dicipline. Itapon ang lighter at posporo na hindi nagagamit sa paninigarilyo. Kung may naitatabing kaha ng sigarilyo ay agad na itapon ito. Kung naglalaway at gustong manigarilyo ay kumain ng kendi. Magbasa at mag-exercise at dapat na maging busy at huwag maging idle para tuluyang makalimutan ang bisyong ito. Lumayo sa mga naninigarilyo. Sa umpisa ay mahirap kaya kailangan ang determinasyon. Pakatandaan na if theres a will theres a way.