^

PSN Opinyon

Nakabubulag ang paninigarilyo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG paninigarilyo ay nagiging dahilan ng pagkabulag. Ito ay batay sa pinaka-latest study ng mga British Researchers sa London. Limampung libong katao sa Europa ang sumailalim sa isinagawang study at napatunayang apat na beses na madaling mabulag ang mga naninigarilyo kaysa mga non-smokers. Ayon sa mga European experts, mapanganib ang usok ng sigarilyo lalo na sa retina ng mga mata. Mapupuna na karamihan sa mga naninigarilyo ay hindi maliwanag ang vision at gumagamit ng salamin sa pagbasa.

Sobrang pinsala sa katawan ang paninigarilyo. Masama ito sa puso. Dahilan din ito ng bronchitis at ang wala nang lunas na kanser sa baga at emphysema na makailang ulit na ipinaliwanag ng ating kasamahang PSN columnist na si Dr. Tranquilino Elicaño Jr. sa puntong ito muling binibigyan diin ng BANTAY KAPWA ang pinsalang dulot ng paninigarilyo na puwede namang maihinto kung gugustuhin.

Narito ang ilang tips to stop smoking: Kailangan magkaroon ng self-dicipline. Itapon ang lighter at posporo na hindi nagagamit sa paninigarilyo. Kung may naitatabing kaha ng sigarilyo ay agad na itapon ito. Kung naglalaway at gustong manigarilyo ay kumain ng kendi. Magbasa at mag-exercise at dapat na maging busy at huwag maging idle para tuluyang makalimutan ang bisyong ito. Lumayo sa mga naninigarilyo. Sa umpisa ay mahirap kaya kailangan ang determinasyon. Pakatandaan na ‘‘if there’s a will there’s a way.’’

AYON

BRITISH RESEARCHERS

DAHILAN

DR. TRANQUILINO ELICA

ITAPON

KAILANGAN

LIMAMPUNG

LUMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with