^

PSN Opinyon

Pagpaparami ng tinapay at isda

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
PAANO mo pakakainin ang libu-libong tao sa pamamagitan lamang ng limang tinapay at dalawang isda? Para kay Jesus, ito ay hindi problema. Pinarami niya ang mga tinapay at isda (Juan. 6:1-15).

Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga kababalaghang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umahon si Jesus sa burol kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Malapit na noon ang Pista ng Paskuwa ng mga Judio. Tumanaw si Jesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, "Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?" Sinabi niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam ni Jesus ang kanyang gagawin. Sumagot si Felipe, "Kahit na po halagang 200 dinaryong tinapay ang bilhin ay hindi sasapat para makakain nang tigkakaunti ang mga tao. Sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, "Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ngunit gaano na ito sa ganyan karaming tao?" "Paupuin ninyo sila," sabi ni Jesus. Madamo sa lugar na yaon. Umupo ang lahat -— humigit-kumulang sa 5,000 ang mga lalaki. Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi sa mga tao; gayon din ang ginawa niya sa isda. Binigyan ang lahat hangga’t gusto nila. At nang makakain na sila, sinabi niya sa mga alagad, "Tipunin ninyo ang natira para hindi masayang." Gayon nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang bakol.

Nang makita ng mga tao ang kababalaghang ginawa ni Jesus, sinabi nila, "Tunay na ito ang Propetang paririto sa sanlibutan!" Nahalata ni Jesus na lalapit ang mga tao at pilit siyang kukunin upang gawing hari, kaya muli siyang umalis na mag-isa patungo sa kaburulan.


Kung kayo ang nasa katayuan ni Jesus, marahil gaya rin ni Felipe ang tugon ninyo. At sa harapan ninyo, pararamihin din ni Jesus ang mga tinapay at isda. At hihingin din niya ang inyong tulong upang ipamahagi sa mga tao ang mga tinapay at isda nang sa gayon ay makakain ang mga tao. Sa ating modernong kapanahunan, hindi na tayo nakakakita ng mga himala nang pagpaparami ng pagkain. Subalit sa misa nasasaksihan natin, batay sa ating pananampalataya, ang pagbabago ng tinapay sa katawan ni Jesus. Nasasaksihan natin ang pari na pinagbabago ang alak sa dugo ni Jesus. At literal na libu-libong mga tao, sa iba’t ibang dako ng mundo na may misa, na nakikibahagi sa Banal na Komunyon.

Ito ang himalang pinagbabahaginan ninyo kapag kayo ay dumadalo sa misa at tumatanggap ng komunyon. Kinakain ninyo ang katawan at iniinom ang dugo ni Jesus.

vuukle comment

FELIPE

JESUS

LAWA

NIYA

SIMON PEDRO

SINABI

TAO

TINAPAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with