^

PSN Opinyon

Skin care ni Dr. Grace Beltran

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYONG summer dapat na pangalagaan ang balat para maiwasan ang cancer of the skin. Ayon sa leading derma-cosmetic surgeon na si Dr. Grace Beltran sobra ang pinsalang dulot ng ultra violet rays (UVA, UVB at UVC). Pinaka-matindi at cancerous ang UVC dahil ang ozone layer ay hindi makalabas sa atmosphere pero may pagkakataon ding makalabas ito gaya nang pumutok ang Mount Pinatubo. Isa pa ring dapat iwasan, ayon kay Dr. Beltran ay ang ‘‘Melanoma’’ na buhat sa nunal na nagreresulta sa kanser dahil nga sa epekto ng UV rays. Sinabi niya na kapag may higit sa limang nunal na mas malaki na sa ‘‘eraser’’ o pambura ng lapis, isa sa mga nunal na ito ay magiging malignant.

Ayon pa rin kay Dr. Beltran ang ‘‘sunblock’’ ay sun protective factor. Pinapayo niya ang pag-aaply ng sunblock after 30 minutes bago lumabas ng bahay. Kapag nasa ilalim ng araw, gaya ng pagsa-sunbathing o ano mang ehersisyo at sports at maging sa pagmamaneho ng sasakyan ay dapat na may sunblock sa loob ng tatlo o apat na oras at kapag nagsu-swimming ay apat na sunblock every hour in hour. Sinabi rin ng doktora na nagki-klinika sa St. Lukes Hospital sa Quezon City na kahit naman mag-apply ng sunblock ay mangingitim din ang balat pero makakatulong ito para maiwasan ang pormasyon ng melanine pigment na tinaguriang ‘‘melanocytes’’ na sinasabing siyang nagpo-produce ng cancer cells. Binigyan diin ni Beltran na dapat na iwasang magbilad sa araw mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

vuukle comment

AYON

BELTRAN

BINIGYAN

DR. BELTRAN

DR. GRACE BELTRAN

ISA

MOUNT PINATUBO

QUEZON CITY

SINABI

ST. LUKES HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with