Sen.Barbers,lason sa kandidatura mo si Tikboy Garcia
April 23, 2004 | 12:00am
TULUYAN ng bumagsak sa Magic 12 ng listahan ng mga senatoriables itong idol ko na si Sen. Barbers sa huling survey ng Pulse Asia. At kung hindi pa kikilos si Sen. Barbers ay baka hindi na siya makarekober at mauwi sa wala ang lahat ng pinaghihirapan niya para mare-elect siya sa Senado sa darating na May 10 elections. Marami sa mga nakausap nating Manilas Finest ang umaming maaring may kinalaman ang tong kolektor ng Intelligence Group (IG) ng Philippine National Police (PNP) na si Tikboy Garcia sa biglang pagbaba ng tsansa ni Barbers na manalo nga. Kaya habang patuloy na namamayagpag si Tikboy, hindi nalalayo na lalong mainis ang sambayanan kay Sen. Barbers ay iitsa-puwera ang pangalan niya sa balota sa Mayo, he-he-he! Talagang may lason na dulot itong si Tikboy sa kandidatura ni Sen. Barbers, di ba mga suki?
Sino ba si Tikboy sa buhay ni Sen. Barbers? Nag-umpisang umusbong ang relasyon ng dalawa noong si Barbers ay pulis-Maynila pa at itong pipitsuging si Tikboy ay connected pa sa isang pahayagan bilang retratista. At ng umusad ang suwerte sa buhay ni Sen. Barbers, siyempre umangat din ang kabuhayan ni Tikboy, anang mga Manilas Finest. Nadagdagan ang kayamanan ni Tikboy nitong nagdaang mga taon, dahil panay ang takbo niya bilang konsehal pero sa totoo lang hindi naman magserbisyo ang nasa utak niya kundi para mangolekta ng pera, anila. Kahit talo ako kumita naman, yan ang pagyayabang umano ni Tikboy sa Manilas Finest na nakausap natin.
Lalong tumikas si Tikboy nang si Barbers ay mapa-upo bilang secretary ng DILG. Doon na siya nangharabas ng mga gambling lords, lalo na ang video karera na ibinibenta naman niya sa mga video karera operators sa Maynila. At kahit wala na si Barbers sa puwesto, ang pangalan pa rin nito ang binabanggit ni Tikboy Garcia sa pakikipag-usap niya sa mga gambling lords, lalo na sa probinsiya. At tulad ni Supt. Robles, marami pang kapulisan ang kumuha ng serbisyo ni Tikboy sa akalang nakasandal sila sa pader dahil direkta siya kay Sen. Barbers nga, he-he-he! Tiyak, direkta ka ngayon sa kulungan, Tikboy Sir!
Kung sabagay, puwede pang makabawi si Sen. Barbers dahil halos tatlong linggo pa bago mag-election. Ang unang gawin niya ay ipaaresto niya itong grupo ni Tikboy na kinabibilangan nina SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David, iparada sa media para maniwala ang sambayanan na wala siyang kinalaman sa ilegal nating gawain.
Ipa-relieve din niya si Supt. Erwin Robles, ang handler ng grupo ni Tikboy sa IG na pinamumunuan ni Chief Supt. Ismael Rafanan. Kapag nagawa na yan ni Barbers, tinitiyak ng mga Manilas Finest na bubulusok at babangong muli ang pangalan niya at maalala siya ng sambayanan sa Mayo. Si Barbers kasi ang chairman ng Defense Committee on National Defense at ma- laki ang papel na ginagampanan niya sa takbo ng militar at pulisya sa bansa. Kaya, ano pa ang hinihin- tay mo Sen. Barbers Sir? Ratsadahin mo na ang grupo ni Tikboy para matiyak na ang panalo mo sa darating na elections!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended