^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaking leksiyon sa Comelec si Eddie Gil

-
MAY aral nang matututunan ang Commission on Elections (Comelec) sa nangyayaring pagmamarakulyo ni Eddie Gil, isa sa nangangarap maging presidente ng Pilipinas. Nagbibigay ngayon ng sakit ng ulo si Gil sa Comelec sapagkat sa halip na mayroon silang makabuluhang magawa, naaagaw ito ng presidentiable kuno. Sa halip na ang mga mahahalagang problema ang kanilang naaasikaso, ang problema ni Gil ang nagiging tinik sa kanilang lalamunan.

Nagsimula ang problema nang payagan ng Korte Suprema si Gil na makabalik sa pangangampanya noong April 1 makaraang ideklara ng Comelec na isa itong nuisance candidate si Gil. Ang pagdiskuwalipika kay Gil ay ginawa makaraang makapangampanya na siya sa iba’t ibang lugar sa bansa. Umalma si Gil sa ginawang diskuwalipikasyon ng Comelec kaya umapela sa high court at pinayagan ngang makabalik.

Ang Comelec na rin ang kumuha ng bato at ipinukpok sa sarili nilang ulo. Walang ibang dapat sisihin sa problemang idinudulot ni Gil kundi ang Comelec na rin. Masyado silang naging maluwag sa pagtanggap ng mga nag-file ng candidacy noong nakaraang taon. Hindi nila masyadong nahalukay ang pagkatao ng isang nagpa-file gayong sa pagfilled-up pa lamang ng form ay may makikita nang mga katawa-tawang entries dito na maaaring pagbasehan kung nuisance siya o hindi. Kung naging mahigpit ang Comelec, dapat ay dumaan sa masusing pag-iimbestiga ang katulad ni Gil na nagsabing marami siyang pera at kaya niyang bayaran ang utang ng Pilipinas. Sa una pa lamang ay dapat nang naghinala ang Comelec kay Gil na nagsabi pang bibigyan niya ng tig-isang milyon ang mga Pinoy kapag siya ang nahalal na presidente. Pero namutiktik sa reklamo si Gil sapagkat inakusahan na hindi ito nagbabayad ng bill sa hotel at sa mga restaurant na kanyang kinainan sa panahon ng pangangampanya. Kasunod niyon ang biglaang pag-alis ng mga kasama ni Gil sa partido. Ano pa ang maaaring isipin ng Comelec tungkol sa mga ipinakikita ni Gil?

Sa simula pa, dapat ay napahinto na ng Comelec si Gil sa kanyang "pangarap" na maging presidente ng Pilipinas. Hindi na sana umabot sa punto na naghahabol na sila ng oras para sa paghahanda sa May 10 elections. Isang malaking aral ang nangyari na dapat bago payagang makasali sa pagtakbo ang kandidato ay nasaliksik nang ayos ang pagkatao. Napakahalaga nito. Ideklara kaagad na nuisance candidate at period.

Ngayo’y kung anu-anong masasamang salita ang lumalabas sa bibig ni Gil patungkol sa Comelec. Walang magagawa sapagkat kumuha sila ng bato na ipinukpok sa kanilang mga ulo.

ANG COMELEC

ANO

COMELEC

EDDIE GIL

GIL

IDEKLARA

KORTE SUPREMA

PILIPINAS

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with