Pulitikong bugok sa Bicol may grasya sa jueteng
April 22, 2004 | 12:00am
MATINDI ang awayan ng mga bugok na pulitiko sa Bicol, hindi dahil sa gusto nilang tulungan ang kanilang mga kababayan at manalo sa eleksyon kundi ang maghintay ng grasya mula sa mga gambling lords ng dayaan bolahan.
Wala kasing pitsa ang mga bugok naghihintay lamang ng grasya ang mga ito mula sa grupo ni Tom Onggoy, Tom Arinula, Art Kabigtak at Tony Tang Ah. Kaya ano ang gagawin ng mga bugok na pulitiko sakaling manalo sila sa eleksyon?
Siyempre hintayin ang kanilang commission mula sa mga gambling lords ng dayaan bolahan.
Sa Second district tulad ng Legaspi, Daraga, Camalig, Manito at Rapu-Rapu ay talamak ang dayaan bolahan. Ganito rin sa Third district tulad ng Guinobatan, Ligao, Oas, Polangui, Libon, Jovellar at Pio Duran. Parang mga adik ang mga sugarol dito, walang tigil sa katataya. Sana kung may nananalo. Eh, magulang pa kay Satanas sina Tony Onggoy, Art Kabigtak, Tom Arinula at Tony Tang Ah.
Si Tony Onggoy, for your information mga readers ay drug lord sa Region 3. Bumotak ito sa Region 5 para mag-lie low.
Ano kaya ang ginagawa ng mga kaparian sa mga nasabing lugar, bakit mukhang hindi sila nagsasalita tungkol sa talamak na dayaan bolahan? Ang mga bata rito ay nagugumon sa sugal. Pati ang pambili ng kanilang matsi-tsibog ay sa dayaan bolahan nadadala. Sabi nga, baka sakaling tumama!
Sa Camarines Norte, matindi rin ang dayaan bolahan, ang mga pulitikong bugok dito ang siya mismong nagtutulak sa mga gambling lords na magpasugal kapalit ng kanilang commission.
"Bakit ba matindi ang dayaan bolahan sa Bicol?" tanong ng kuwagong haliparot.
"Malaking pitsa ang nabubulsa ng mga kamoteng pulitiko," sagot ng kuwagong Kotong cop.
"Pati nga pangalan ni Prez Gloria ay nakakaladkad sa Bicol dahil sa dayaan bolahan," anang kuwagong marinong hilo.
"Bakit ayaw kumibo ng Malacañang at PNP tungkol sa isyu ng dayaan bolahan?" tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Meron daw sila, he-he-he!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am