'Spoiled brat' si Erap
April 22, 2004 | 12:00am
KAPANSIN-PANSIN ang pagiging spoiled brat ni President Joseph Estrada. Noon pa mang kapapasok pa lamang niya sa kulungan sa Sta. Rosa, naging maluwag na ang pakikitungo ng ating pamahalaan sa dating aktor. Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, inireklamo na kaagad ni Erap ang kalagayan ng kanyang kulungan kung kayat inilipat siya sa Veterans Hospital. Naging higit na mataas ang ginugol ng pamahalaan sapagkat maliban sa pagpapaayos ng titirahan ni Erap, mas marami ang idinagdag na guwardiya.
Naging malaking sakit din ng ulo ng awtoridad nang sunud-sunod na hilingin ni Erap sa Korte at pamahalaan na payagan siyang magpa-opera ng kanyang mata sa US. Sinundan ito ng pagpupumilit na kinakailangang ipa-opera ang kanyang tuhod sa Amerika.
Nang pinapayagan nang magtungo si Erap sa US, bigla namang nagbago ang kanyang isip. Kailangan daw siya dito sa Pilipinas na tulungan ang kanyang kumpareng si Fernando Poe Jr. sa kandidatura nito sa pagka-pangulo. Marami ang nadismaya sa desisyon ni Erap. Para raw na niloloko at pinaglalaruan lamang nito ang Korte at ang pamahalaan.
Ngayoy tuloy pa rin ang pang-uuto ni Erap sa pamahalaan. Gusto raw nito na mapuntahan ang kanyang inang si Donya Mary at kung anu-ano pang kahilingan na akala mo ay galing sa isang hari na hindi dapat mabali. Pati bonggang pagdiriwang ng kanyang 67th birthday ay naidaos sa resthouse. Ano pa kaya ang mga susunod na hihilingin ni Erap?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am