^

PSN Opinyon

Pansamantalang pagtigil ng eviction at foreclosure

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
BILANG tulong sa mga may pagkukulang sa pagbabayad ng kanilang housing loans, nilagdaan ang Executive Order No. 281 ni President Gloria Macapagal-Arroyo kung saan may pansamantalang pagtigil ng eviction, foreclosure at cancellation ng mga delinquent ng housing accounts sa ilalim ng mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng National Home Mortgage and Finance Corporation, Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG), National Housing Authority, Home Guaranty Corporation, SSS at GSIS.

Hindi apektado ng nasabing Executive Order at ng Implementing Rules and Regulations nito ang mga sumusunod: Unoccupied housing units (o iyong mga bahay na walang nakatira), mga accounts na wala kahit isang bayad mula ng ma-take-out, mga accounts na na-restructure, mga accounts na consolidated at naibenta na gaya ng rent-to-own scheme at mga accounts na sakop ng buy-back guarantee ng mga developers.

Ang sinasabing pansamantalang pagtigil ng eviction, foreclusure at cancellation ng mga housing accounts kabilang na ang mga proceedings dito ay hanggang Agosto 9, 2004 lamang.

Kaya hinihikayat ko ang mga may housing loans na hindi updated sa pagbabayad na makipag-ugnayan sa mga ahensiyang sumasakop sa inyong accounts para sa mas detalyadong pagpapaliwanag upang gamitin ang pagkakataong ito na maisalba ang inyong mga tahanan mula sa foreclosure o pagremata. Huwag palampasin ang pagkakataong ito.

vuukle comment

ACCOUNTS

EXECUTIVE ORDER

EXECUTIVE ORDER NO

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOME GUARANTY CORPORATION

IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS

NATIONAL HOME MORTGAGE AND FINANCE CORPORATION

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with