PSN pinakyaw ng gambling lord na si Tony Ong
April 21, 2004 | 12:00am
PINAKYAW ng mga alipores ng gambling lord na si Tony Ong ang kopya ng Pilipino Star NGAYON (PSN) sa Albay matapos nating ibulgar ang malawakang jueteng operations niya doon. Ayon sa ulat na nakarating sa akin, umaga pa lang noong Linggo ay inikot na ng mga bataan ni Ong ang lahat ng newstand sa Albay at binili ang kopya ng PSN na naglalaman ng aking kolum kung saan binira natin ang hayagang kakutsabahan ng police at local government officials sa jueteng nga. Ayon sa correspondent ng PSN diyan sa Bicol na si Ed Casulla, pati kopya nila sa press office ay gustong bilhin ng mga alipores ni Tony Ong. Siyempre pa hindi sila nagtagumpay, ani Casulla, he-he-he! Sobra talaga ang laki ng kita nitong si Tony Ong sa jueteng niya at desperado siyang huwag mabulgar ang bulok niya, di ba mga suki?
Maaaring sa Bicol, particular na ang probinsiya ng Albay, ay napigilan ni Ong ang pagkalat ng kabuktutan niya, pero sa mga malapit nitong lugar, lalo na sa Camp Crame, ay nabigo siya. Ang payo ko kay PNP Chief Dir. Hermogenes Ebdane Jr., ay magpadala siya ng sariling tauhan doon sa Bicol para mapatunayan niya na talagang namamayagpag ang jueteng ni Tony Ong doon. Huwag siyang mag-utos sa CIDG dahil tiyak nakaladlad na rin ang palad nila kay Tony Ong, di ba mga suki? Pero kung may protection money si Tony Ong kina Chief Supt. Jaime Lasar, ang regional director ng PNP doon at Albay PNP provincial director Sr. Supt. Pedro Tango, meron din kaya siya kay Ebdane? Aba, si Ebdane lang ang makakasagot ng katanungang yan. Sa tingin ko naman, dapat puksain ni Ebdane itong jueteng ni Tony Ong para maniwala ang sambayanan na walang sinisino ang kampanya niya laban sa jueteng.
Siyempre, kung nakikinabang sina Lasar at Tango sa jueteng ni Tony Ong, ang mga alipores nila sina Supt. Frank Peñaflor, ang hepe ng Legaspi City at Supt. James Multo ng Daraga ay hindi nalalayo na naaambunan rin. Umaabot pala sa P3 milyon ang kubransa ni Tony Ong sa District 1 and 2 ng Albay lamang, ito ang pagtutuwid ng nakausap nating taga-Bicol. Kaya kung si Tom Ranola, na right-hand man ni Tony Ong ay kumikita ng 3 percent, hindi nalalayo na mas malaki ang porsiyento nina Lasar, Tango, Multo at Peñaflor, di ba mga suki? Ngayon Gen. Ebdane Sir, paano mo mahambalos ang mga tauhan mo sa Region 5 sa Bicol ukol sa jueteng nina Ranola at Tony Ong kung namantikaan na ang kanilang nguso? Moro-morong raid na naman?
Kung sabagay, hindi natin dapat sisihin ang kapulisan lang natin sa Bicol ukol dito sa jueteng ni Tony Ong dahil pati si Albay Gov. Al Bichara ay naputikan na rin. Totoo ba na kasosyo ni Ong si Gov. Bichara? Aba, kung maliwanag na P300,000 araw-araw ang take-home pay ni Bichara sa illegal ni Tony Ong, may puhunan na siya para lalong pasiklabin pa ang kanyang kampanya para ma-retain niya ang puwesto niya sa darating na May elections.
Ganoon na rin si Mayor Gerry Juachon, di ba mga suki? Kapag natunugan ni Tony Ong na bibirahin nating muli itong jueteng niya sa Bicol, papakyawin kaya niya uli itong kopya ng PSN?
May karugtong!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended