EDITORYAL - Magtipid daw sa tubig,magtipid daw o !
April 21, 2004 | 12:00am
ANG gobyerno ay maagap magpaalala sa taumbayan kapag nasa panahon ng krisis. Maganda naman ito. Pero ang nakapagtataka, silang nagpapayo ang hindi naman marunong sumunod sa ipinag-uutos. Silang mga nasa puwesto ang hindi nagpapakita ng halimbawa para gayahin naman ng mamamayan. Iba ang kanilang ginagawa sa ipinag-uutos. Kaya hindi kataka-taka kung marami ang hindi naniniwala at sumusunod.
Marami nang krisis ang nagdaan sa bansa. Nang magkaroon ng krisis sa enerhiya at nagkaroon nang malawakang brownout, ang sabi ng gobyerno ay conserve energy. Nagpalabas ng tuntunin na ang lahat ay dapat magtipid sa paggamit ng koryente lalo na sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Nang magkaroon ng kasalatan sa gasoline noon, ganito rin ang panawagan ng pamahalaan, magtipid, magtipid at magtipid.
Pero nakadidismaya sapagkat ang mga nag-uutos ang una ring lumalabag. Maraming ilaw ang nananatiling nakasindi sa mga tanggapan ng pamahalaan gayong maaari namang bawasan. Marami ring opisyal na dalawa ang sasakyan na malakas lumaklak ng gasolina. Patuloy sa pag-aaksaya.
Ngayoy may panibagong kampanya na naman ang pamahalaan at ito ay ang magtipid sa tubig. Nasa kritikal level na ang tubig sa Angat Dam at kung hindi magtitipid magkakaroon ng pagsasalat sa tubig. Ang Angat ang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.
Magtipid, magtipid at magtipid ang inaawit ng gobyerno. Nagbigay pa ng tip sa bawat tahanan kung paano hindi masasayang ang tubig. Huwag na raw maghuhugas ng mga sasakyan, ang tubig daw na pinagbanlawan ng nilabhang damit ang ipambuhos sa inidoro at sa umaga na lang magdilig ng halaman.
Maganda ang kanilang mga tip at nagpapakita ng pagmamalasakit. Pero ang pagmamalasakit na ito ay nauuwi rin sa wala sapagkat hindi naman nasusunod. Marami pa ring bulagsak sa tubig lalo na sa mga tanggapan ng pamahalaan. Patuloy ang pag-aaksaya.
At ang matindi, maraming sirang tubo ng tubig ang pumupulandit sa kalsada dahil sa leak. Karaniwan na lamang ang makikitang mga leak sa maraming lugar sa Metro Manila. Sa mga leak na ito sumasalok ng tubig ang mga tao. Ang mga leak din na ito ang sumisira sa mga kalsada. Bukod sa mga leak, laganap ang illegal connections.
Ang mga problemang ito ay hindi nakikita ng gobyerno. Hindi magsasalat sa tubig kung aasikasuhin lamang nila ang mga leak. Magtipid daw sa tubig o!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended