Gaya na rin nung nangyari na naganap na "jailbreak" (na naman!) noong nakaraang Sabado de Gloria sa Basilan Provincial Rehabilitation Center sa Isabela City, Basilan. Limangput tatlong bilanggo ang pumuga at karamihan sa mga ito ay miyembro ng kilabot na Abu Sayyaf (ASG) sa pangunguna ng isang alyas "Abu Black".
Mantakin nyo, habang panay ang "praise release" ng Malakanyang patungkol sa pinaigting na laban ng pamahalaan kontra TERORISMO, hetot nadiskaril naman dahil sa labis na kapabayaan na naganap dyan sa Basilan. Partida pa nga yan dahil nakaalerto ang PNP at AFP dahil na nga ayon na rin sa kanila ay may bantang pambobomba gagawin ang ASG dito sa kamaynilaan at karatig lalawigan. Nakalimutang bantayan nang maigi ang mga kulungan. Aba eh, mautak talaga itong mga ASG dahil panay nga ang putak ng mga Generals na may ambang pagsalakay ang terorista, hinigpitan ang security sa Metro Manila at mga strategic places.
Kumalat sa mga text messages at pati na rin sa balita sa telebisyon at radyo ang tungkol sa BLACK SATURDAY PLOT. Totoong naging Black Saturday at black-eye sa administrasyong Arroyo kahit walang bombahan nangyari may takasan naman.
An incident such as this one would practically erase the gains of the Arroyo administration vs. the terrorists.
Nung Huwebes Santo lang ay nagbubunyi ang pamahalaan sa pagkapatay kay ASG Commander Hamsiraji Salih na isa sa mga haligi ng grupo, sa isang iglap lang, napalitan yun ng kahihiyan. Kasama pa mandin sa campaign ads ni PGMA ng "strong republic" ang dibdibang paglaban kontra terorismo. Paano na ito?
Gaya na rin sa ibang mga pangyayari, eh wala namang maibubunga ang pagtuturuan kung sino ang dapat na managot o sino ba ang may responsibilidad sa pangyayari. Aminado naman ang mga jailguards sa kapalpakan, pero hanggang dun na lang ba yon?
Isipin pa, ilang milyon ang inuubos ng pamahalaan para lamang maaresto at maipakulong ang mga halang ang kaluluwang bandidong ito, tapos ganun-ganun na lang na makakawala putris talaga sayang ang nilustay na pera ng bayan. Ilang milyon na naman kaya ang tinatapon nila ngayon para mahuli at maibalik sa kulungan ang mga hayok sa dugong ito?
Heto pa, balat-sibuyas pa ang Malakanyang sa naging pahayag ng US ni "President Friendship Bush" na mukhang lumalambot na ang pamahalaan sa "war against terrorism". Hindi kaya totoo ? O naglie-low lang muna dahil mag-eeleksyon na?
Alalahanin din natin, mainit na mainit ang labanan sa eleksyon sa Mayo 10. Nagpahayag nga si PGMA na tigilan na muna ang sisihan at fingerpointing at unahin nga munang maibalik ang mga nakapuga sa preso. Syempre kasiraan niya ito.
"One mistake for any presidentiable could cost the election for him or her." Sa pinaka-latest na resultang inilabas ng Pulse Asia, lumamang na si PGMA ng 3% votes kontra FPJ. Marahil malaki ang epekto ng insidenteng nakitang nagalit si Da King sa isang tv reporter. Malinaw dito na sa isang pagkakamali lang, eh malaking boto ang mawawala sa kandidato. At sa kaso ngayon ng kapabayaan sa Basilan jailbreak, wala mang direktang kamay si PGMA pinutakti siya ng isyu dahil siya ang nagpapatakbo ng bayan hanggang sa kasalukuyan. Abangan natin kung anong magiging resulta ng susunod na survey pagkatapos ng insidenteng ito. Dito makikita ang epekto ng palpak na trabaho ng mga alipores ni PGMA.
Maging babala din ito sa lahat ng mga tumatakbong presidentialble o maski na sinong naghahangad ng elective position. This is election time at nakatuon ang lahat ng mata ng mamamayan sa inyong mga ginagawa o di ginagawa. You cannot afford a mistake at this point, dahil mahihirapan ka ng makabangon at makahabol.
Kung baga sa basketball, ito ang last two minutes ng laro. Dito, every possession of the ball counts the most.
Hindi rin maganda ang mga nagsisilabasang gusot sa ilalim ng Partido ni FPJ. Ang kanyang Media Bureau na nagkakalasan. Ang hindi inaasahang pagpunta ni Raul Roco sa America para magpagamot. Magandang talakayin iyan sa susunod na artikulo. Kailangan ng ating bayan ng isang lider na malusog dahil ang bayan natin ay malala ang sakit.
NAG-IBA NA BA ANG INYONG MGA OPINYON KUNG SINO ANG INYONG IHAHALAL? PARA SA INYONG MGA COMMENTS AT REACTIONS, MAAARI NYO I-TEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.