^

PSN Opinyon

Sana mga batang kandidato naman

SAPOL - Jarius Bondoc -
NASA kabataan ang pag-asa ng bayan, wika ni Rizal. Kaya tuwing may sumusulpot na batang lider–Mar Roxas sa Gabinete, Kiko Pangilinan sa Senado, Neric Acosta o Joel Villanueva sa Kamara, o Mayor Jesse Robredo o Francis Tolentino sa lokal na pamamahala–nagkakapag-asa tayo.

Gan’un din sa mayayama’t malalakas na bansa. Nu’ng 1996 pitong gobernador sa US ang naging kapansin-pansin. Puro sila edad 45-50. Sa pamumuno nila sumigla ang ekonomiya ng kani-kanilang state, dahil sa mga reporma na nag-udyok ng investments.

Sa Japan nu’ng 2002 anim na batang gobernador ng prefectures ang nanalo. Sinuway nila si Prime Minister Koizumi, na puro pangako lang ng repormang napapako. Puro sila independents; walang kinauutangang-loob na partido o padrino. Nilabanan nila ang abusadong pulis, mauusok na pabrika, at mapaniil na mga banko. Umunlad ang mga pook nila.

Si Mar, bantay-presyo sa palengke ang pangunahing ginawa bilang Secretary of Trade. Si Kiko, paglilinis ng hudikatura ang inaatupag. Si Neric, mga isyung pangkalikasan; si Joel, kampanya kontra katiwalian. Sina Jesse at Francis, katahimikan at kaunlaran ng Naga at Tagaytay.

Marami pang kabataang mahuhusay din. May mga gobernador at mayor, mga bise, konsehal at provincial board members na nagpapasigla ng turismo o sakahan, kalakal at kalinisan sa kani-kanilang lugar. May mga senador at kongresista na nakatuon sa edukasyon at kalusugan.

Pero kung tutuusin, karamihan ng mga nasa pamahalaan ay mga matatanda pa rin. Halos sarado ang sistema sa mga bata–dahil sa laki ng gastos sa halalan o sa pananaw na matatanda lang ang may alam. At maraming batang opisyal ay nilalamon ng sistema kapag napuwesto na. Ito ‘yung mga anak-politiko na ang natutunan ay kung paano abusuhin ang poder–tulad ng mga nagtangkang i-impeach si Chief Justice Hilario Davide.

Ganunpaman, mababago ang sistema’t kalagayan ng mamamayan kung mas maraming bata ang maipuwesto. Piliin lang sila.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

FRANCIS TOLENTINO

JOEL VILLANUEVA

KIKO PANGILINAN

MAR ROXAS

MAYOR JESSE ROBREDO

NERIC ACOSTA

PRIME MINISTER KOIZUMI

PURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with