^

PSN Opinyon

Maraming salamat Jose Pidal

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NITONG nakaraang ilang araw, gumaganda ang takbo ng ating piso kontra sa dolyar. Mula sa mahigit P56 kada $1 ay bumaba ito at noong Huwebes ng gabi nga ay P55.8 kada dolyar na.

Tuwang tuwa ang Malacañang at lubos pa nga ang pagmamalaki nila na maaari pa ngang gumanda pa sa darating na araw. Ang isa sa dahilang pinalalabas nila sa parang pag-improve ng ating ekonomiya ay ang pag-angat ni Madam Senyora Donya Gloria sa survey.

Patunay daw ito na kumpiyansa na ang mga negosyante sa Pilipinas dahil tiyak na raw ang pagpapatuloy na pag-okupa ni Madam Senyora Donya Gloria sa Palasyo ng Malacañang.

Ganoon din ang deklarasyon ng Makati Business Club, grupo ng mga negosyanteng alam naman ng lahat na mga malalapit kay Madam Senyora Donya Gloria at kasali sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Erap.

Sa madaling salita pinalalabas nila Madam Senyora Donya Gloria at ng kanyang mga alipores ay sila ang dahilan sa improvement ng piso kontra dolyar. Tama sila, sa pagkakataong ito, may katotohanan ang sinabi nila.

Tunay na sila ang dahilan sa improvement ng piso kontra dolyar kaso nga lang hindi yung mga dahilang nabanggit nila ang tunay na dahilan.

Ganuon pa man, pasalamat pa rin tayo kay JOSE PIDAL at ang kasabwat niyang LUCIOfer CO dahil sila ang tunay na dahilan bakit gumanda ang takbo ng piso kontra sa dolyar.

Bakit kanyo? Simple lang, kinopo muna nila ang smuggling sa bansa. Mula sa gulay, damit, baboy, manok, karne at iba pang mga kailangan ay kinontrol nila.

Sa ginawa nilang ito, dagsa ang mga imported na produkto kasama na ang gulay, manok, isda at karne. Bagsak ang halos lahat ng negosyante at apektado lahat ng pabrikang local dahil sa sobrang mura ng mga imported na gamit. Mas matindi ang tama sa mga magsasaka, mga nag-aalaga ng manok at baboy at pati ang ating mga mangingisda.

In short, lahat kinapos at marami pa ang naghihikahos, samantalang silang dalawang sikat naman ay parang mga langgam na panay ang ipon at panay ang lipad patungong Hongkong bitbit ang mga MAHIWAGANG BAG at tuloy sa mga sikat na bangko gaya ng Coots Bank upang mag deposito. Sabi nga nila, save for the rainy days.

Kaya tuloy bagsak na bagsak ang ekonomiya natin at baba naman ng baba ang piso kontra dolyar. Pero okay lang sa kanila, masaya naman sila, pakialam ba nila kung maghirap at magutom ang iba, pinagpapawisan naman nila ang kinikita nila, kaso nga lang sa paglalaro nga lang ng golf at sa pagbitbit ng mga MAHIHIWAGANG BAG.

Hirap tuloy ng pera rito sa atin at komo malayo pa ang pasukan at lampas na ang kaPaskuhan, kumonti rin ang pagpasok ng dolyar sa atin galing sa ating mga malayo at malulungkot na overseas filipino workers.

Kawawa ang lahat at hirap pati mga ibang kaalyado nilang negosyante kaya kahit na kontribusyon para sa pangangampanya ay kinakapos. Kahit sarili nilang kampo naapektuhan.

Pero papayag ba si JOSE PIDAL nito. Patutunayan niya na mas higit ang kanyang pagmamahal kay Madam at hindi kay ma’am Vicky. Nag-usap sila ni LUCIOfer, total barya lang sa kanila ang ilang milyong dolyar at malaki ang maitutulong nuon sa ekonomiya dahil magkakaroon ng rebound ang piso kaya ibalik nga ang konti.

Parang mga jetsetter, lipad agad si LUCIOfer sa Hongkong, withdraw ng baryang dolyar, mga limang milyon at ibalik sa atin. $5 million dollar, ba mahigit P250 million pesos yon.

Siyempre, pagpasok noon, recover ang piso kahit konti, e paano kung mas higit doon. Tutal utos ni JOSE PIDAL kay LUCIOfer, dagdagan mo na lang ang smuggling mo, mababawi mo rin. Isa pa, yari ka pag nanalo si Ping o si Poe, kalaboso ka, hindi bale kami, pack up and leave, paalala pa ni JOSE kay LUCIO. Parang Batman and Robin ano, hindi Penguin and Joker, mas bagay.

Tsaka ang ikakalat namang pera ay gagastusin din sa mga smuggled na paninda ng mga botanteng maaambunan. Importante, bida muna si Madam Senyora Donya Gloria. Isa pang dahilan, sa dami ng ayaw ng bumoto sa kaniya, importanteng marami kang pang cashbinsi sa araw ng halalan. Kaso turo ko, tanggapin n’yo ang pera pero iboto niyo ang gusto.

Tiyakin n’yo lang na hindi kayo nabubukulan, minimum na P500, baka kinupit pa ng mga lider na local at makuha niyo ay tig-P200 lang. may kita na sila sa binigay nilang P500 pesos.

Money down na rin ang gusto ng mga operator nila na dapat nilang bantayan dahil baka hindi mandaya at itakbo ang perang natanggap na. wala nang honor kahit sa mga magnanakaw. He-he-he! Puro hudas na lang.

Kaya yan bait-bait nila, sana dagdagan niyo ang pamumudmod n’yo. Ilang linggo pa, balik n’yo pa ang iba. Samantala, THANK YOU! From the people to the people. He-he-he! Hindi n’yo rin naman madadala sa hukay at mahirap naman kung ipambayad n’yo sa doctor o sa ospital, mas masakit. KONTI lang naman. MARAMING MARAMING SALAMAT!
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kaya’y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

COOTS BANK

DOLYAR

HUWEBES

LANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NAMAN

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with