Marami ang nalungkot kay Roco
April 17, 2004 | 12:00am
ISA ako sa mga nalungkot na baka hindi na makapagkampanya bilang kandidato sa pagka-pangulo si Raul Roco sapagkat may sakit. Naliwanagan ang lahat nang mismong si Roco ang nagpatawag ng press conference at inihayag na siya ay tutungo sa Houston, Texas kaagad upang magpatingin sa kanyang mga doktor doon dahil sa pananakit ng kanyang likod. Subalit sinabi ni Roco na hindi siya uurong at tuloy pa rin ang pangangampanya niya at ng kanyang mga kasamahang kandidato sa Alyansa ng Pag-asa. Ang anak niya ang papalit sa kanya sa kampanya hanggang hindi ito nakakabalik.
Hindi ako kumukurap habang pinakikinggan ko si Roco. Marami ang naniniwala na maaaring maging isang mahusay at magiting na pangulo ng ating bansa kung bibigyan lamang ito ng pagkakataon. Subalit para bagang ang pakiramdam ko ay biglang naglaho ang pag-asang ito sapagkat kitang-kita mo naman na malaki na ang ipinayat at hindi na maitatago na talagang may karamdaman.
Kahit na ano pa ang sabihin, ang pagbitiw ni Roco sa kampanay nang dahil sa pagtungo niya sa US upang magpagamot ay dapat nang tanggapin na malaking kawalan sa kanyang kandidatura. Para bagang ang gustong sabihin nito ay goodbye Malacañang, umatras man o hindi si Roco. Nasisiguro kong may mga pagbabago tayong maririnig sa kampo nito sa loob ng ilang araw. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended