Paliwanag ni Marc Leviste sa suporta kay Noli
April 17, 2004 | 12:00am
GUMAWA ng paglilinaw si Marc Leviste, pamangkin ng asawa ni vice presidential bet Loren Legarda Leviste na si Tony hinggil sa pagsuporta ng kanyang amang si Conrad (kakambal ni Tony) sa kandidatura ni K-4 vice presidentiable Noli "Kabayan" de Castro.
Naging kontrobersyal ang isyung ito dahil bakit nga naman si Noli imbes na si Loren ang kanilang sinusuportahan. Sa mga beterano sa larangan ng politika, hindi na katakataka ito. Mayroon bang lihim na hidwaan ang mga Levista kung kayat tinatalikdan si Loren? Batay sa pahayag ni Marc, wala naman pero may kasabihang politics makes strange bedfellows.
Usap-usapan kung kanino susuporta ang batang Leviste na kumakandidato rin bilang bokal ng second district ng Batangas. Nagbigay ng klaripikasyon si Marc. Na sumusuporta siya kay Noli hindi dahil ayaw niya sa kanyang "aunt in law" na si Loren kundi dahil miyembro siya ng Lakas-CMD na ang sinusuportahan sa pagka-pangulo ay si Gloria Arroyo. At porke si Noli ang bise ni Gloria, natural lamang na si Kabayan ang suportahan niya.
Sa murang edad ay namumulat na sa intricacies ng politika si Marc. Aniya: "Pinili kong tahakin ang landas ng politika at serbisyong pampubliko at alam kong kasama riyan ang batuhan ng putik at paghalukay sa personal na buhay. Ito ay hamon sakin bilang youth leader para baguhin ang masamang estilo ng pulitika sa bansa."
Okay ang ideyalismong ipinakikita ni Marc. Pero obserbasyon ko lang ito. Marami nang beteranong politiko ngayon na ang pananaw nung silay kasing-edad ni Marc ay ganyang-ganyan. Pero nang lumaon, nilamon din sila ng bulok na sistema ng pulitika.
Sana ngay ibang klase itong si Marc and I wish him all the best.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended