Pagnanakaw na 'kinukunsinti' ng SM Shopping Center Mgt.
April 16, 2004 | 12:00am
PATULOY ang pamamayagpag ng sindikatong harap-harapang nagnanakaw sa mga department store ng SM. Walang kahirap-hirap sa sindikatong ito na isagawa ang pagnanakaw sa alin mang SM Mall. Mapa-Metro Manila man o mapa-probinsiya.
Mahigit anim na buwang sinurveillance ng grupo ng "BITAG" investigative team ang sindikatong ito na pinamunuan ng mag-asawa na may mahigit 16 na kabataang miyembro.
Hawak namin ang mga "surveillance footages" na nakuha ng aming mga "BITAG" undercover staff, gamit ang aming mga "concealed camera" habang isinasagawa ng sindikato ang kanilang pagnanakaw sa loob mismo ng department store.
Ang problema ay mismong pamunuan ng SM! Sila na nga ang ninanakawan, ayaw nilang makipagtulungan sa mga awtoridad na kaakibat ng grupo ng "BITAG" upang tuldukan na ang pamamayagpag ng sindikatong ito.
Panoorin ang eksklusibong operasyon ng "BITAG." Doon sa mapagkunwaring grupo ng mga "IMBESTIGADOR" kuno. Sige, panoorin nyo ito, nang makita nyo ang pagkakaiba namin nang matuto kayo.
Abangan bukas sa IBC 13, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng gabi, ang maaksiyong "BITAG" dahil kung imbestigahan at sumbungan ang pag-uusapan, hindi kami NGAWA, kundi GAWA!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended