Shoot-to-kill sa mga pugadores
April 15, 2004 | 12:00am
MEDYO kalmado ang feelings ng mga residente sa Basilan nitong mga nakaraang araw dahil dumarami ang bisita ni Kamatayan sa kanyang kaharian. Marami ang natutumba sa mga pugadores na ang karamihan ay mga kilabot na miyembro ng Abu Sayad este mali Abu Sayyaf pala.
Sa impiyerno ang bagsak ng mga takas na bilanggo na ayaw sumuko sa batas. Ika nga, six feet below the ground ang punta ng mga matitigas ang ulo.
May 53 pugante ang tumakas noong Black Saturday sa Basilan na ikinagulat ng Pinoy. Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO kung paano nakapasok ang boga sa loob ng kulungan para magamit ng mga bandido sa kanilang pagpuga. Dapat ito ang imbestigahan ng mga tauhan ni PNP bossing Jun Ebdane.
Huwag itong lubayan, mukhang nagkaroon ng magandang usapan sa pagitan ng mga pamilya ng mga nakakulong at mga guwardiya sibil? Mga notorious criminals kasi ang iba sa mga pugadores, hindi sila birong mga kalaban. Mga mamamatay tao ang mga ito!
Maganda ang timing sa ginawang pagtakas ng mga kontrabida, este mali pugadores pala, itinaon nilang nangingilin ang mga Noypi sa kanilang mga pinaniniwalaang Diyos. Dasal dito, dasal doon, simba rito, simba roon.
Sa nakakagimbal na pangyayari mabilis na umaksyon ang mga alipores ni Ebdane katulong ang militar ginalugad ang lugar para makuha ang mga pugadores patay man o buhay. Kinordon ang buong Basilan pati Philippine Navy ay nagbantay sa mga dalampasigan para walang makalabas ng nasabing lugar.
"Matindi pala ang ginawang pagtakas sa Basilan jail," anang kuwagong urot.
"Oo, hindi biro ito," sagot ng kuwagong Kotong cop.
"Paano raw nakatakas ang mga preso?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"May nakapasok na boga sa loob ng karsel kaya nagka-ratratan."
"Sino ang dapat managot dito?"
"Iyan nga ang iniimbestigahan, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended