^

PSN Opinyon

"Vivere...."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ITONG NAKARAANG BAKASYON NAGING KAKAIBA ANG AMING NARANASAN NA GUSTO KO NAMANG I-SHARE SA INYONG LAHAT.

Kami ng dalawang anak ko ay nakatakdang pumunta sa Batangas City.

Subalit, dahil na rin sa dagsa ng tao at traffic sa South Luzon Expressway biglang nag-iba ang aming plano. Pumunta kami sa Vivere Suites (Hotel) sa Alabang, Muntinlupa City.

Pagpasok pa lamang namin sa Front Desk, isang maaliwalas na pagtanggap ang bumati sa amin. Si Bianca Go, na parating nakangiti, kahit maraming trabaho, ang nag-ayos ng aming accommodations at si Annaliza Velasco. Lobby pa lang nitong 31 floors na VIVERE SUITES bilib ka na.

Pagkita naming ng aming kwarto sa 23rd floor talaga naman kompleto ang mga amenities. Ang swimming pool ay makikita sa 31st floor, sa pinakamataas na palapag kung saan, napakapresko at malilimutan mong tag-init pala. Meron din Gym, Sauna at ang Forest Stream Spa, kung saan nagpa-Shiatsu massage kaming mag-aama at talaga namang tanggal lahat yata ng hangin sa aking mga unwanted fat. Very relaxing talaga.

Breakfast sa Vivere Skyline was an experience. You could enjoy your buffet breakfast overlooking the whole of Muntinlupa on the top floor.

Aside from the food, yung mga staff dun ay mas lalong pinaganda ang iyong umaga. Manager ng Vivere Breakfast Suite ay si Annabelle Piguing. Magtatampo rin ang ibang staff kong hindi ko babanggitin sila. Si Salem Rosete, isang magandang Senior Receptionist na iisipin mong, anong panama ng mga newsreaders or field reporters sa telebisyon. Joie Toledo, Harley David, Ramon Bautista, Greg Cabello, Junar Peños, Jardiel Burayag at marami pa sila. Sa Executive Lounge, dun ay meron mga Function Rooms, Jacuzzi, maari kayong manood ng DVD, uminom sa Bar at ang nagustuhan ng mga anak ko ay ang mag-surf sa Internet. Dun ko din pinadala ang column ko sa PSNGAYON, nung Lunes. Ang bida dun ay si Brian Pineda. Sayang hindi naming nakilala si Janice.

I saved the best for the last. The Hotel Manager of Vivere Suites, Ms Elvi Berin. Now this lady made a lot of difference. I have been to many hotels and have met a lot of Managers but no one beats this foxy lady.

Hindi lamang siya Manager, adviser, confidant, motherhen at higit sa lahat

Doctor pa siya ng mga guests. Good Friday, lampas alas dose na ng gabi ng may biglang humingi ng tulong ang isang guest. Isang Malaysian National na may dinaramdam, nahihilo, may lagnat at nahihirapan lumunok. Si Ms Elvi ay nagpunta sa kanyang kwarto, kasama ang ilan niyang staff at nurse, si Weena (I hope I got her name right), at inasikaso itong dayuhan na lalakeng ito. Pwede naman iutos ni Ms Elvi yun subalit minabuti niyang siya mismo ang tumingin kung ano ang maari nilang gawin para mapaginhawa ang taong ito. Ilang Hotel Managers ang gagawa nito?

Iisipin mong siya ang may-ari ng Vivere Suites o daan-daan libo ang ibinabayad sa kanya ni Mr. Yatco Garcia (Bakit nga hindi mo bigyan ng raise si Ms Elvi, ha Mr. Garcia, makunat ka ba?) Aside from this she does trouble shooting, acts as the shock absorber of the Hotel as she display a different kind of patience and presence of mind under stressful situations. Tinanong ko siya kung bakit ganun na lang ang pagiging "hands-on manager" ni Ms Elvi. Nagkibit balikat lamang siya at nakangiting sinabi na, "I love what I am doing."

Kadalasan, ang lahat ng mga hotel, pare-pareho lang ang mga facilities. Ang nag-iiba lang talaga ang mga taong nagpapatakbo nito. My children and I experienced this first hand and this is the reason why I am writing about this. Gusto ko ring ipaabot sa inyo, mga mambabasa ng CALVENTO FILES, na sulit ang ibabayad n’yo kapag sinubukan n’yong magpahinga sa hotel na ito.

Hindi po ako binayaran ng hotel na ito para magsulat ng ganito. Hindi po mababayaran ang column na ito. It is not for sale. Ito’y sa kadahilanan lamang na kundi sa mga taong ito, Holy Week of 2004 would not have been that enjoyable.

Nung una, ang aking dalawang anak ay mas gustong pumunta sa Batangas City para dun makapagbakasyon. This was before they enjoyed Vivere Suites. It was like you were away from the city. Away from the maddening crowd. From the heat of summer and to think that we were just in Alabang, Muntinlupa.

Kung magkaroon kayo ng pagkakataon, bakit hindi n’yo subukan at tignan ang mga isinulat ko kung tama nga ako o mali.

Chances are, mahihirapan kayong yayain ang inyong mga anak na umuwi na ng bahay. Ngayon, tuwing napapadaan ako sa Alabang Center, at nakikita ko ang gusali ng Vivere Suites, napapangiti ako at muling bumabalik sa aking isipan, "Life can be sooo gooood…. Vivere"

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

ALABANG

ALABANG CENTER

ANNABELLE PIGUING

ANNALIZA VELASCO

BATANGAS CITY

BRIAN PINEDA

MS ELVI

VIVERE

VIVERE SUITES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with