Bakit hindi matiyempuhan nina Gen.De Leon sina Tikboy Garcia,Tiamzon,Timbang at David ?
April 14, 2004 | 12:00am
MALIBAN pala sa grupo ni Tikboy Garcia, ng Intelligence Group (IG) ng PNP, marami pang mga buwaya ang nagkalat sa kalye na lalong dinudumihan ang imahe ng pulisya natin. Tulad ng grupo ni Tikboy, na kinabibilangan nina SPO2 William Tiamzon, Nanding Timbang at Abe David, ibubulgar din natin sila para sumimangot naman sila at hindi panay nakangiti habang kinokolekta ang lingguhang intelihensiya nila. At ang isang buwenas na tatamaan natin sa ngayon ay si PO3 Henry Ignacio, ng CIDO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. Ang binabanggit ni Ignacio sa kanyang pakikipag-usap sa mga gambling lords sa Kamaynilaan ay ang pangalan ni Sr. Insp. Jesus Kabigting, ng CIDG nga, He-he-he! Magaling din kayang handler ng buwaya si Kabigting tulad ni Col. Erwin Robles ng IG?
Teka nga pala, di ba itong si Kabigting din ang inakusahang nagpalaya ng Intsik na ipinaaresto ng kapatid ni dating Army Gen. Camiling sa halagang P5 milyon? Kalat na kasi sa Manila police na nahuli pala ng CIDO, sa ilalim ni Supt. Alex Gutierrez, ang Intsik pero naglahong bigla dahil nagbayad daw ng malaking halaga. Ang malas lang ng CIDO ay nakunan ng retrato sa cellphone ang Intsik habang sa custody nila at presto may ebidensiya laban sa mga loko. Nagngitngit na sinigawan ng kapatid ni Camiling na mga magnanakaw itong mga taga-CIDO mismo sa harap ni Chief Supt. Arturo Lomibao, hepe ng CIDG, anang pulis-Maynila na nakausap natin. Kung noong panahon ni Dir. Eduardo Matillano ay nasangkot sa mga katiwalian ang CIDG natin, eh ganoon din pala sa ilalim ng liderato ni Lomibao. Saan ang pagbabago, PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Sir? At siguradong hindi matinag-tinag si Gutierrez sa puwesto niya dahil bagyo ito kay Ebdane at kay Com. Rogelio Pureza ng Napolcom, anang pulis-Maynila. Kawawang PNP, palaging semplang dahil sa palakasan.
Habang maligaya naman ang mga buwaya ng PNP, ang grupo naman ng dating mga pulis sa pamumuno ni Dante de Pasion ay umiikot sa Metro Manila para mangholdap ng mga cellphone, cash at alahas ng mga naglalakad sa kalye. Kasama ni Pasion ang dalawa pang AWOL na pulis na dating taga-Camp Bagong Diwa. Ang gamit ng grupo ni Pasion ay ang mga kulay na blue, white at green REVO na may ibat ibang plaka. Mataba at bukbukin ang mukha nitong si Pasion, anang kausap natin. Malimit mambiktima itong grupo ni Pasion sa Parañaque City, Manila, Pasay City, Makati City, Las Piñas City at Quezon City, he-he-he! Dapat unahin ni NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon na igarahe na ang grupo ni Pasion di ba mga suki?
At bakit hindi matiyempuhan ng mga tauhan ni De Leon sina Tikboy Garcia, Tiamzon, Timbang at David, eh patuloy din naman ang pag-iikot nila para sa IG? Hindi nalalayo na dahil sa pagbanggit ni Tikboy ng pangalan ni Sen. Robert Barbers, eh maapektuhan ang pagtakbo nito sa Senado. Noong nakalipas na mga araw, eh pang-apat o pang-lima itong si Barbers pero nitong nagdaang survey, eh pang-labindalawa na siya. May kinalaman kaya sa pagbaba ng rating ni Sen. Barbers si Tikboy Garcia? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended