^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasayang ang pagod

-
NAGTUTURUAN na ang mga awtoridad sa Basilan provincial jail sa pagkakatakas nang mahigit 50 bilanggo noong Sabado ng umaga. Karamihan sa mga nakatakas na bilanggo ay mga teroristang Abu Sayyaf. Kabilang sa mga nagtuturuan ang Department of Interior and Local Government, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine National Police at ang Basilan provincial government. Pare-pareho nilang iniiwas ang sarili sa nangyaring pagtakas ng mga bilanggo. Ganyan naman ang nangyayari pagkatapos ng isang kontrobersiyang pagtakas, nagtuturuan at sasabihin hindi sila ang dapat sisihin kundi si ganito at si ganire. Hindi ba’t nagturuan din nang makatakas ang mga terorista at drug lords sa Camp Crame. Pero wala ring nangyari sa imbestigasyon. Maaaring ganito rin ang kahinatnan sa pagkakatakas sa Basilan jail.

Dalawampu’t tatlo na ang nadadakip sa mga nakatakas at siyam na ang napatay. Tinatayang nasa 34 pa ang hindi nadadakip. Kabilang sa mga nakalalaya pa ay ang lider ng mga teroristang Sayyaf na si Abu Blak. Ang teroristang ito ang itinuturong pumugot sa ulo nang may 10 kataong bihag. Isa umano ito sa mga pumugot sa ulo ng Amerikanong bihag na si Guillermo Sobero. Kinidnap sina Sobero, kasama si Martin at Gracia Burnham sa Dos Palmas resort sa Palawan noong 2001. Napatay si Martin makaraang i-rescue ng military noong 2002. Nakaligtas naman si Gracia.

Kahiya-hiya ang pagkakatakas ng mga bilanggo at karagdagang dungis sa administrasyon ni President Arroyo. Isipin na lamang na lantaran ang pagsuporta ni Mrs. Arroyo sa pagdurog sa terorismo at malaki ang tiwala sa kanya ni US President George W. Bush. At ganito nga ang nangyari na natakasan pa ng mga terorista. Umano’y hindi nagustuhan ng US ang tila panlalambot ng Pilipinas sa pagdurog sa terorismo at ipinaalam na ito kay Mrs. Arroyo ng embassy officials.

Sayang ang pagod na iniukol ng mga awtoridad, particular ang AFP sa pagkakadakip sa mga lider ng Abu Sayyaf at pagkaraa’y makatatakas lamang. Ngayon pa’y nagtuturuan sila kung sino ang dapat managot. Walang ibang dapat managot dito kundi mga opisyales at jailguard ng Basilan. Masyado silang naging maluwag, parelaks-relaks na akala mo ba’y karaniwang bilanggo lamang ang kanilang tinatanuran. Nararapat magkaroon nang malalim na imbestigasyon kung bakit nakatakas ang mga bilanggo. Parusahan ang mga opisyal at jailguard na mapapatunayang nagkasala. Bulukin sila sa bilangguan para hindi na pamarisan. Malaking kapahamakan ang idudulot kapag natakasan ng mga teroristang "uhaw sa dugo".

ABU BLAK

ABU SAYYAF

BASILAN

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP CRAME

DOS PALMAS

GRACIA BURNHAM

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with