Pagtataksil ni Judas
April 7, 2004 | 12:00am
NASA kalagitnaan na tayo ng Semana Santa. Ang ating Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa pagkakanulo kay Jesus ni Judas. Ito ang pinakabuktot na uri ng gawain. Si Judas ay pinili ni Jesus bilang isa sa kanyang mga alagad. Subalit pinagtaksilan niya ang ating Panginoon (Mt. 26:14-25).
Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus? tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus.
Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, "Saan po ninyo ibig ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?" Sumagot siya, "Pumunta kayo sa lunsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng Guro: "Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad koy sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa." Sinunod ng mga alagad ang utos ni Jesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.
Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Jesus, kasama ang 12 alagad. Samantalang silay kumakain, nangusap si Jesus, "Sinasabi ko: Isa sa inyo ang magkakanulo sa akin." Nanlumo ang mga alagad, at isat isay nagtanong sa kanya, "Ako po ba, Panginoon?" Sumagot siya, "Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon." Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, "Guro, ako po ba?" Sumagot si Jesus, "Ikaw na ang nagsabi."
Nasaktan si Jesus sa ganitong kataksilan. Personal niyang pinili si Judas. Kung ito ay ginawa ng isang kaaway, marahil ay hindi ganoon kasakit. Datapwat ito ay ginawa ng isang kaibigan.
Gayunpaman, hindi tayo dapat maging malupit kay Judas. Huwag nating kalilimutan na bawat kasalanang ating ginagawa ay isang pagtataksil sa ating Panginoon. Tayo rin ay nagtaksil sa ating Manunubos.Tayo ay nagkasala. Tanggapin natin ang ating pagkakamali. Dapat tayong mapuspos ng pagdadalamhati. Handa tayong patawarin ni Jesus. Alisin ang kadiliman ng ating pagkamakasalanan.
Si Jesus ang ating Tagapagligtas. Naghihintay siyang yakapin tayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended