Mga kandidatong Eskriba at Pariseo
April 7, 2004 | 12:00am
SA panahon ng pamumulitika at pangangampanya ng mga kandidato ay mahirap malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Halos lahat ay ipinagmamalaki ang kanilang plataporma de gobyerno. Panay ang kantiyaw, batikos, panlilibak sa mga katunggali. Ibat ibang klase ang mudslinging nila. Maraming hitting below the belt. Grabe talaga.
Sa banal na kasulatan ay lumalabas na mga kontrabida ni Jesus ang mga Eskriba at mga Pariseo na nang panahong iyon ay makapangyarihan at iginagalang ng sambayanan. Mga ipokrito sila.
Malakas na nagdarasal sila at padipa-dipa pa habang nakatingala sa langit. Ipinakikita nila ang hirap sa pag-aayuno. Mga pakitang tao lamang ang ginagawa nilang kabanalan.
Sa katotohanan ay maiitim ang kanilang budhi. Mga ganid sila, materyoso, mandaraya, mapag-imbot at maiinggitin. Ayaw nilang malalamangan at malalampasan ng iba ang kanilang talino. Ang mga Eskriba at Pariseo sa panahong ito ay ang mga kandidatong trapo, kurakot at mga sinungaling. Iboboto niyo ba sila sa Mayo 10?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am