Talagang ganyan ang pulitika,baho muna ang kakalkalin,kesa plataporma
April 7, 2004 | 12:00am
MUKHANG hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan si Vice Presidentiable Noli de Castro kung ang informercial nila ni Presidente Arroyo ang gagawing basehan. Sa nasabing infomercial kasi, nanawagan sa kapwa kandidato si Kabayad
este Kabayan na huwag magsiraan at magtrabaho na lang. Mabilis palang makalimot si Mr. De Cash-tro dahil kailan lang eh yon din ang gawain niya sa kanyang TV program na Magandang Gabi Bayan ang manira ng kapwa. Itanong mo yan kay businessman Rafael Engle at alam niya ang kasagutan. Kaya nag-iingay sina Engle at dating asawa niyang si Pacita Baby Torralba ay para gantihan si De Castro sa paninira niya ng mga buhay nila, di ba mga suki? He-he-he! Talagang ganyan ang pulitika natin. Baho muna ng kalaban imbes na ang plataporma ang unahin.
Pero mukhang tumatalab na sa buto ni de Cash-tro itong mga akusasyon na naglabasan laban sa kanya dahil nag-file na siya ng libel hindi lang laban kay Engle kundi maging kay Andrew Gonzales, national director ng Bagong Lahing Pilipino Development Foundation. Humihingi si Ka Noli ng P200 danyos sa kasong isinampa niya sa Pasay City prosecutors office. Gusto ring alamin ni Ka Noli kung sinong politician ang nasa likod ng mga black propaganda laban sa kanya, he-he-he! May katwirang mabalisa si Ka Noli dahil dahan-dahan na lumalapit ang agwat nila nang mahigpit niyang kalaban na si Sen. Loren Legarda sa mga huling naglalabasang survey, di ba mga suki?
At sa ngayon, umiinit pa rin ang isyu ukol dito sa mga bintang ni Torralba laban kay Ka Noli. Eh kahit saan tayong sulok ng bansa man tayo pumunta, ito ang usap-usapang isyu na sa kinalaunan ay maaaring makapagpababa pa ng tsansa ni De Castro sa darating na May elections. Kasama ang anak niyang si Manueli, lumabas sa TV si De Castro at isa-isang pinasinungalingan ang mga bintang sa kanya ni Torralba. Ang hindi niya alam, habang nagsasalita siya ay maraming katanungan pa ang lumabas na maaring magpapatunay na sinungaling nga siya.
Taliwas sa claim ni De Castro na inabandona ni Baby si Manueli, ito naman ang mga katanungan ni Pacita kay Noli: Sino ba ang kasama ni Manueli nang manganak siya noong Disyembre, hindi ba ako?, Sino ba ang tinatawagan ni Manueli upang isumbong na mula P5,000 ay ginawa mong P1,000 na lang ang suporta mo sa kanya? Hindi ba ako?, Sino ba ang pinagsusumbungan ng anak natin na pati ang serbisyo ng tubig nila sa tinitirhan nila ng kanyang asawa ay nagmumuntikan nang maputol dahil sa di mo man lang siya matulungan, di ba ako?
Ano ba yan? At siguro, ang langit na ang nagtiyap ng kapalaran upang maibulgar ni Baby ang itinatagong baho ni Kabayad este Kabayan. Ayon kay Baby, hindi siya lumantad dahil sa milyong halaga tulad ng akusasyon ng Palasyo sa kanya, kundi dahil nakorner siya ng reporter na kumokober ng KNP rally sa Bohol. Tinanong ako ng reporter kung iboboto ko si Noli dahil dating asawa ko ito at sinabi ko ang katotohanan, demolition job ba yan? ang tanong ni Baby. Ang importante, ani Pacita ay ibinulgar niya ang bulok sa katawan ni Noli at bahala na ang sambayanan na maghusga sa kanya. O, may linaw na ba ang mga isyu laban kay Noli, mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended