Si Bernardo, ay nasa New Zealand, sa isang linggo pa ito uuwi ng Pinas.
Dalawang beses nagsumite ng letter of resignation si Tony sa Palasyo pero hindi ito tinanggap ni Prez GMA sa hindi malamang dahilan.
Mukhang mahal ng Malacañang si Tony dahil above target naman ang revenue collection ng bureau. Kaya lang marami ang nagtataka kung bakit pinabantayan ng Malacañang ang Customs sa bagong tatag na National Anti-Smuggling Task Force.
Mukhang duda sila na may malalimang milagro ng nagaganap dito.
Malaking sampal kay Tony ang pagtalaga ng NASTF kasi pagpirma niya ng release shipments at duda ang mga kabig ni Angie haharangin ito sa gate. Ika nga, hindi puwedeng makalabas sa customs ang pinagdududahang kargamento.
Ano kaya ang kasalanan ni Bernardo sa Palasyo?
Kung ako kay Tony irrevocable resignation ang ipadadala ko sa Palasyo, anang kuwagong urot.
Tiyak bang tatanggapin ang letter niya?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Nakakahiya kasi kung hindi siya magre-resign, sabi ng kuwagong Kotong cop.
Matindi ang intriga sa pier kaya bihirang Commissioner dito ang bumango ang name.
Kung si Angie, ang tatanungin sa nangyayari kay Tony, magbitiw kaya siya sa puwesto?
"Sigurado may prinsipyo si General.
Teka nga pala matindi raw ang puslitan blues sa Clark at Subic? anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
Hindi magtatagal at makakapa rin ng NASTF iyan!
Abangan natin ito!