EDITORYAL - Bantayan ang mga Herodes
April 6, 2004 | 12:00am
ANG mga terorista ang makabagong Herodes. Uhaw sila sa dugo ng kanilang kapwa. Ibig maghari sa pamamagitan ng karahasan. Pinatunayan na nang magsagawa ng sunud-sunod na pambobomba sa Metro Manila noong December 30, 2000 kung saan may 100 tao ang namatay at karamihan ay mga inosenteng bata. Nasundan nang pambobomba sa Davao International Airport at Sasa Wharf noong nakaraang taon at marami rin ang namatay.
Kamakailan, mga terorista rin ang itinurong nagtanim ng bomba sa isang train sa Madrid, Spain. Marami rin ang namatay doon. Siksikan sa pasahero ang train nang mangyari ang pagsabog. Ganyan din ang ginawa sa LRT na sumabog habang nasa Blumentritt Station. Marami ring sakay ang LRT sapagkat karamihan sa mga tao ay naghahanda sa New Year.
Ngayong Mahal na Araw, nakatanggap ng report ang Philippne National Police (PNP) na magsasagawa ng pagsalakay ang mga terorista sa Metro Manila bilang ganti sa pagkakadakip sa anim na Abu Sayyaf noong nakaraang linggo. Ayon sa report, balak pasabugin ng mga terorista ang isang mall, LRT at MRT at ang Pandacan oil depot. Magsasagawa rin umano ng pangingidnap. Noong Sabado pa nakalagay sa full alert ang may 120,000 miyembro ng PNP.
Ang anim na naarestong miyembro ng teroristang Abu Sayyaf ay magkahiwalay na nadakip sa Quezon City at Makati. Isa sa mga naaresto ay umaming siya ang naglagay ng bomba sa nasunog na SuperFerry 14. Nasunog ang ferry noong February 27 ilang oras matapos umalis sa pier sa Maynila. Ayon sa nadakip na terorista, siya ang tinutukoy na "passenger 51" na nagtanim ng bomba. Inilagay umano niya ang bomba sa isang TV set. Itinanggi naman ito ng PNP.
Uhaw sa dugo ang mga makabagong Herodes at gagawin ang lahat para makapagsabog ng lagim sa bansa. Hindi lamang dito sa Metro Manila nararapat ituon ang pagbabantay ng PNP kundi maging sa buong bansa. Sasalakay ang mga "uhaw sa dugo" kahit na Mahal na Araw. Hindi sila nangingilin. Mas maraming sibilyan ang kanilang mapatay ay mas matutuwa sila kagaya nang nangyari sa Madrid.
Hindi rin lamang naman sa terorista dapat ituon ng PNP ang atensiyon kundi pati na rin sa mga kriminal na gumagala sa kapaligiran ngayon. Uso ang nakawan ngayon sa mga banko, panghoholdap sa mga pampublikong sasakyan at ang pangingidnap.
Ang pakikipagtulungan din naman ng mamamayan sa paglupig sa mga terorista ay kailangan. Ang mga kahina-hinalang kilos ng mga tao ay dapat ireport lalo pa kung nasa isang mataong lugar. Kayang durugin ang mga makabagong Herodes kung magkakaisa ang pulis at sibilyan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest