^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaswa !

-
NAKATIKIM ka na ba ng kinse años?" Ito ang tanong sa malaking billboard advertisement ng isang brandy. Ang tanong na ito ang nagpasiklab sa Gabriela party list at iba pang civic organizations para magprotesta sa kompanya ng alak. Ang ad ding ito ang naging daan para akyatin ni senatoriable Alfredo Lim ang malaking billboard sa Roxas Boulevard at gupitin ang portion na may nakasulat na "kinse". Anang mga bumatikos sa "kinse" ad isang paglait sa kababaihan at kabataan ang advertisement. Isang pagyurak sa dangal sapagkat may sexual insinuation. Kinasuhan si Lim dahil sa pagsira sa billboard.

Malaswa talaga! Maski kami ay naniniwalang may ibig sabihin ang ad na "kinse". Sana ay binuo na lang ang salita at ginawang "NAKATIKIM KA NA BA NG KINSE AÑOS NA ALAK? O kaya’y "NAKAINOM KA NA BA NG KINSE AÑOS NA BRANDY". Mas malinaw at hindi na dadayain pa ang makababasa na hahantong pa sa pag-iisip ng kung anu-ano. Para sa amin, okey lang ang pag-alma ng Gabriela at "pagsakay" ni Lim.

Ang hindi okey, masyadong natuon lamang ang pansin ng Gabriela at ni Lim sa ad ng "kinse" at hindi na nila napansin ang iba pang malaswa sa kapaligiran na mas sumisira pa sa kaisipan ng kabataan, hindi lamang mga kinse anyos kundi kahit na matatanda na maaaring makagawa ng panggagahasa at iba pang krimen.

Bakit hindi napapansin ng Gabriela at ni Lim ang mga nagkalat na malalaswang tabloids sa mga bangketa sa maraming lugar sa Metro Manila. Mas nakita pa ng Gabriela at ni Lim ang nasa itaas na billboard gayong kung titingin sila sa ibaba ay makikita ang mga nakabuyangyang na "mani" at mga "papaya" na nakatinda at dinadaan-daanan ng mga kabataan na may edad kinse anyos. Malaswa talaga! Iba’t ibang posisyon ang mga naka-retrato at sa pangalan pa lamang ng tabloid ay hindi na mag-iisip kung ito nga ba’y malaswa o hindi. "SAGAD, KATAS, BOSO" ang mga pangalan. Mas matindi kaysa "kinse" na nagpasulak sa Gabriela na sinakyan naman ni Lim.

Matagal nang nakakalat ang mga porno tabloid sa bangketa, at mas nauna pa sa "kinse" ad. Araw-araw ay nakikita ng mga kabataan, kalalakihan, pero nakapagtatakang hindi naman nakita ng grupong Gabriela o maski ni Lim. Hindi rin naman nabibigyang-pansin ng mga mayor, vice mayor at iba pang pinuno ng lungsod at bayan. Election kasi at mas nakatuon sila kung paano hahakot ng boto.

Wala ring magawa ang Philippine National Police at ang National Bureau of Investigations sa dumaraming pornographic tabloids. Nararapat na kasuhan ang publisher ng mga porno tabloids para mahinto ang pagkalat sa mga bangketa. Ba’t di makialam ang Gabriela o si Lim sa problemang ito?

ALFREDO LIM

GABRIELA

KINSE

LIM

MALASWA

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with