^

PSN Opinyon

Penalty condonation sa mga housing borrowers

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MAGANDANG balita po sa lahat ng housing borrowers sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC).

Kung patuloy ang pagsuportang pinansyal sa pagpapatayo ng mga bahay at condominium units ng mga ahensyang pabahay ng ating pamahalaan, hindi rin ito bulag sa mga karaingan ng ating mga kababayang dumaranas ng kagipitan at hindi makapagbayad ng buwanang amortisasyon sa kanilang mga kinuhang bahay.

Sa NHMFC, ipinahaba ang termino ng pag-avail ng penalty condonation. Iyon ay batay sa patuloy na implementasyon ng Republic Act 8501, pamamagitan ng NHMFC Office Order No. 1373 petsang Marso 25, 2002.

Ngunit makakapag-avail lamang ng penalty condonation kung ang borrower ay babayaran ang kanyang buong utang; bayaran ang kanyang mga utang na hindi nabayaran o ipa-restructure niya ang kanyang utang.

Ang nasabing penalty condonation ay maaaring i-avail ng mga may housing loan sa ilalim ng Community Mortgage Program, United Home Lending Program (UHLP). Ito rin ay maaaring i-avail ng mga qualified borrowers sa ilalim ng Assignment of Mortgage Credits and Foreclosure Rights Program.

Ang penalty condonation ay makakatulong nang malaki sa ating mga kababayang maaaring nawalan pansamantala ng hanapbuhay; sa mga nagpapaaral ng mga anak at iba pang personal na kadahilanan.

Sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa National Home Mortgage Finance Corporation o NHMFC, tel. number 893-1501.

ASSIGNMENT OF MORTGAGE CREDITS AND FORECLOSURE RIGHTS PROGRAM

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

IYON

MARSO

NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORPORATION

OFFICE ORDER NO

REPUBLIC ACT

UNITED HOME LENDING PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with